-Daisy-“Daisy, please. I’m sorry.” Muli niyang tinangka na hawakan ang kamay ko, pero mabilis akong umiwas. “I just love you too much,” dagdag niya pa sa nanginginig na boses. “You shouldn’t treat me like this. You’re breaking my heart, babe!”“Get lost!” Diretso kong pinulot ang suit ni River na nasa lupa at walang lingon-likod na naglakad papasok sa bahay.Pero bago pa ako tuluyang makapasok, humarang na naman siya sa daraanan ko. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa lalaking ito.“Daisy, ano ba!” mukhang siya pa itong may ganang mawalan ng pasensiya. “Nagmamakaawa na nga ako sa’yo, ano pa bang gusto mo? Gusto mo lumuhod pa ako sa harap mo?”Hindi ako sumagot.“’Yung magarang kotse nung lalaki, gano’n ba ang gusto mo?” pagpapatuloy niya. “Paano ako? You think I’m a loser now?”“Vince, tumigil ka na! Hindi ka na nakakatuwa!”“Daisy, I’ll prove myself to you!” Parang biglang nagkaroon siya ng panibagong determinasyon. “Hihigitan ko ang lalaking ’yon. ’Yung Mirae project,
Last Updated : 2026-08-31 Read more