-Daisy-Niyaya kami ni Mrs. Lao na mag-lunch kasama ang anak niyang babae, ang anak na gusto niyang ipakilala at ireto kay River.Kaya nang yayain ako ni River na sumama, wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pero kailangan naming magpanggap na sweet sa isa’t isa sa harap nila.Kung tutuusin, hindi naman iyon dapat mahirap para sa amin. Magiging mag-asawa kami sa papel nga lang, at kailangan naming kumbinsihin si Mrs. Lao at ang anak nito na may tunay na relasyon sa pagitan namin. Pero habang iniisip ko kung anong pwedeng idulot ng tanghalian na iyon, hindi ko maiwasang mapangiti.Lalo na kapag naiisip ko ang naging usapan namin ni River kanina, bago kami umalis sa hotel kung saan ginanap ang conference meeting niya.Tinanong niya ako kung ano ang magiging kondisyon ko kapalit ng pagpayag kong magpanggap bilang girlfriend niya at ipakitang may tunay kaming relasyon.Noong una, wala akong maisip na matinong sagot. Pero habang pinag-iisipan ko iyon, isang bagay ang naging
Last Updated : 2026-09-07 Read more