-Daisy-“Go ahead,” sagot ko nang malamig. “Pero kapag may nangyari kay Kier dahil sa kabaliwan mo, ikaw ang mananagot.”Hindi na siya sumagot. Sa halip, bigla siyang tumalikod at mabilis na lumabas ng kuwarto.“Vince, anak!” agad siyang hinabol ni Mrs. Lawrence.Sumunod din si Rose. “Vince, wait!”Hindi ko na sila pinansin. Pero bago tuluyang magsara ang pinto, narinig ko pa ang boses ng mommy niya.“Vince, anak! Huwag mong sasaktan si Mr. Mendoza! Sa kanya nakasalalay ang malaking perang babagsak sa kumpanya! Huwag mong sisirain ang partnership na hindi pa nabubuo dahil lang dito!”Napailing ako.Pera, partnership, company.Iyon agad ang naisip niya. Hindi kung ano ang mararamdaman ko o kung tama ba ang ginawa ng anak niya. Kundi kung paano maaapektuhan ang negosyo nila.“Vince, mag-isip-isip ka muna bago ka gumawa ng malaking gulo!” singit naman ni Rose. “Baka maapektuhan ang Lawrence Group!”Huminto ako sa pagtitig sa mga gamit na nabasag nang marinig ang sumunod niyang sinabi.“H
Last Updated : 2026-08-30 Read more