-Vanessa-Inilabas ko ang dalawang itlog at isang pakete ng skinless longganisa. May natira ding kanin mula kagabi, kaya naisip kong isangag iyon. Kumuha rin ako ng kamatis, talong, at okra para may gulay kaming makain.Nagsimula na akong magluto, at hindi nagtagal, kumalat na sa buong kusina ang mabangong amoy ng pagkaing inihahanda ko.Pagkatapos ay sinimulan ko nang sandukin ang mga ito.Napangiti ako habang tinitingnan ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Sana magustuhan ni Blake ang lahat ng ito.Simple lang ang almusal namin, pero sigurado akong masarap ito dahil ako ang nagluto. Sayang nga lang at walang pritong isda. Masarap sana itong isawsaw sa suka na may suka at sili.Biglang kumalam ang sikmura ko, palatandaan na gutom na rin ako.Kagabi, walang laman ang tiyan ko kung hindi ang gatas lang na ipinainom sa akin ni Blake. Mabuti na lang at nakatulog ako sa tabi niya. Kahit papaano, nakapagpahinga ang katawan ko.Ngayon, pakiramdam ko ay kaya ko nang humarap sa panibagong araw
Huling Na-update : 2026-10-28 Magbasa pa