-Vanessa-“Bakit ang tagal niyo?” salubong ang kilay ni Boss Lester nang bumungad kami sa pinto ng kanyang opisina. “Eh boss, pasensya na po. Pinagbihis ko pa kasi si Vanessa.” sabi ni Aling Martha habang nakangisi. “Sige, boss. Maiwan ko na kayo. Ikaw na ang bahala sa kanya, basta yung bonus ko ha. HUwag mong kakalimutan.”Dali-daling lumabas si Aling Martha ng office niya, at pinilit ko pang humabol, pero hinawakan ako ni Boss Lester sa braso at hinila papasok sa loob, bago niya isinarado ang pinto. Napatalon pa ako sa gulat nang ilock niya ito.Nanginginig ang katawan na hinila ko pababa ang suot ko, pero nang lumitaw ang cleavage ko ay hinila ko din pataas ang damit ko.“Maupo ka, Vanessa.” sabi ni Boss Lester na kumuha ng bote ng alak sa cabinet sa likod niya at saka nagsalin sa dalawang baso. “Inom ka muna para mawala ‘yang nerbiyos mo.”“P-pasensya na po, pero hindi po ako umiinom.” umiling-iling ako habang nakatayo pa rin sa tabi ng pinto. Umiikot ang tingin ko sa paligid at
Last Updated : 2026-10-26 Read more