-Blake-Nandito na ako ngayon sa pampang, malapit sa lugar kung saan ko iniligtas si Vanessa kahapon. Alas-sais ng umaga ang usapan naming magkikita, pero alas-diyes na ay wala pa rin siya.Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad habang paminsan-minsang sinusulyapan ang aking wristwatch. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong-hininga dahil sa pagkainip, at sa tuwing may babae akong makikita na naglalakad sa malayo, agad akong napapalingon dito, umaasang baka si Vanessa na ‘yon.But every time I looked more closely, it turned out to be someone else. Damn it!Hindi naman ako sanay na naghihintay nang ganito katagal para sa isang babae. Kung tutuusin, kahit kailan ay hindi ko kinailangang maghabol ng babae dahil sila mismo ang kusang lumalapit sa akin. Isang tawag ko lang, marami na ang handang sumama sa akin. Pero ngayon, heto ako, nag-aaksaya ng oras sa paghihintay sa isang babaeng hindi ko sigurado kung dadating pa ba o hindi na.Ang nakakainis lang, bakit hindi ko kin
Last Updated : 2026-10-26 Read more