-Daisy-"What if dito na lang ako sa bahay ni Rose makituloy?” Bigla kong ibinato ang suhestiyon, at gaya ng inaasahan ko, bahagyang nanlaki ang mga mata ni Rose.Mukhang hindi niya talaga inaasahan na sasabihin ko iyon.“Please, Rose,” dagdag ko pa, sabay malungkot na tumingin sa kanya. “Masyadong mahal kapag sa hotel pa ako tutuloy. May mga guest room naman siguro kayo sa taas na pwede kong tulugan, right?”Ngumiti ako ng nakakaloko, pero kay Vince, alam kong matamis ito.“Promise, hindi ako manggugulo. At saka, di ba ang sabi ni Dad, tutulungan ko raw siya sa pagre-revise ng design para sa Mirae project?” kay Vince naman ako tumingin. “So, mas maganda siguro kung dito na lang muna ako tutuloy. Mas madali rin para sa akin na tulungan siya.”“Hindi pwede!” Mabilis ang naging pagtanggi ni Rose.Kunwari ay nagulat ako sa tindi ng reaksyon niya.“Oh…” Napayuko ako at hinayaan ang mga balikat kong bumagsak.“I mean…” Napansin kong tila naghanap siya agad ng dahilan. “Dalawa lang ang room
Last Updated : 2026-08-26 Read more