“Good morning,” may narinig akong boses sa gilid ko. Hindi ko na kailangang lumingon dahil kilala ko na kung sino ‘yon sa bango palang na naaamoy ko. Nanatili ang yakap sa akin ni Evan, mas binaon pa niya ang mukha niya sa buhok ko, hinayaan ko naman siya. “What time is it?” “Eleven am,” Tumango ako at inalis ko na ang pagkaka yakap niya sa akin dahil kailangan ko nang mag ayos. “Lumabas kana ba ng kwarto?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Bago na ang damit niya ngayon mukhang naka ligo na siya kanina pa. “Yes, your sister saw me earlier,” naka ngising sagot niya sa akin. Tinaasan ko siya nang kilay. “Anong sabi niya?” “Wala naman, she’s just shocked that I am here, and I slept on your room,” Tinapos ko na ang pag toothbrush ko at pag hihilamos ko dahil mamaya pa ako maliligo. Pagka labas ko ng banyo ay agad kong pinunasan ang mukha ko, habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin ay naramdaman ko ang yakap ni Evan sa likuran ko. “Stop it, Evan. Hindi pa ako nalig
Last Updated : 2026-08-08 Read more