“Ate! Gising na!” Padabog akong bumangon sa kama ko. Hindi ata ako makakapag trabaho dahil masakit ang ulo, sobrang bigat nito. Agad akong lumabas ng kwarto ko at bumungad sa akin ang kapatid ko na naka pambahay lang. “Wala kang pasok?” Parang hindi naman siya maka paniwalang naka tingin sa akin. Mukha na ba akong alien sa paningin niya? “Ano ka ba ate? Sunday ngayon! Maawa ka naman sa akin, baka kahit sunday ay gusto mong pumasok ako?” Ngumiwi ako sa pinag sasabi ng kapatid ko. “Ang dami mong sinabi Solene,” Tumawa naman siya. “Wala kang trabaho ate?” Tinignan naman niya ang kabuuan ng katawan ko, nag tatakha siguro siya kung bakit ganitong oras na ay nasa bahay pa ako. “Hindi ako papasok, masakit ang ulo ko, baka lalagnatin ako,” “Kumain ka nalang muna, bibili muna ako ng lugaw sa may kanto!” Agad kong hinawakan ang kamay niya at umiling. “Huwag na, ayoko ng lugaw, kahit ano nalang niluto mo,” Tumango naman siya sa akin at giniya niya ako sa kusina para maka kain. “Wala
Huling Na-update : 2026-08-02 Magbasa pa