“Wala kang trabaho ate?” nag tatakhang tanong sa akin ni Solene nang makita niya akong nasa kusina, nag luluto. “Wala, aalis ng bansa si boss. Ayaw non nag bubukas nang bar na wala siya sa bar mismo, kaya may three days off kami,” “Mabuti, para makapag pahinga ka naman kahit papaano,” Bahagya akong ngumisi sa sinabi niya. “Kamusta ang pag aaral mo?” “Ayos naman ate, medyo mahirap pero kaya ko naman,” Tumango ako sa sinabi niya at hinanda ko na ang babaunin niya. Tinignan niya ang ginagawa ko. “Nag grocery ka ba?” “Hindi pa, baka mamaya pa. May ipapabili ka ba?” tanong ko sa kanya. “Snacks nalang siguro ate, para kapag nag aaral ako sa gabi,” Bahagya akong natigilan sa sinagot niya at tumango. Alam ko na ang ibibili ko sa kanya. “Snacks lang?” “Oo ate, tsaka mga gulay na rin. Minsan ayokong kumain ng meat eh,” “Sure,” Tinapos ko na ang pag hahanda ko ng lunch box niya, dinamihan ko na rin ang mga prutas para may pang himagas siya. May allowance akong binibigay sa kanya p
Last Updated : 2026-08-21 Read more