"Hali na kayo, pumasok na kayo sa loob. Sigurado akong matutuwa kayo na makita ang mga bata," sabay ngiti ni manang Fe. Sumabay kami kay Manang papunta sa loob. Magkatabi kaming dalawa habang nasa likuran naman namin ang mga kuya ko at si Alejandro. Nang makarating kami sa loob ng bahay ampunan. Labis na natuwa ang puso ko sa nakita ko. Nakakatuwa na may makitang mga bata na nakangiti, naglalaro at halatang mga malulusog. "Miss Xyriel, ito ang mga bagong bata ngayon sa ampunan. Samantalang ang mga dati ay naroon na sa kabilang silid. Ang iba naman sa kanila ay nagkaroon na rin ng sarili nilang masayang pamilya, at nagkaroon na sila ng sariling bahay. Samantalang ang iba ay na ampon naman ng ibang tao noon.," nakangiting paliwanag niya. Nakakatuwa marinig ito. At least kahit hindi ko makita silang lahat, masaya ako na nagkaroon na sila ng magandang buhay. 'Yon lang naman ang lagi kong hinihiling noon para sa kanila. Dahil mahalaga iyon sa buhay nila. "Ayos lang manang. Pero hindi
Huling Na-update : 2026-10-16 Magbasa pa