Tinawag ako ni Kuya Dracko. Pinatay ko ang tawag at inilapag ko ang cellphone ko sa sofa. "Kuya?" mahinang boses ko. "May bisita ka ngayon, nandito si Angelica at Alejandro," nakangiting wika ni kuya. Kahit paano ay napangiti pa rin ako. Sumulpot sina Angelica at Alejandro. Mabilis na tumakbo sa akin ang bata at malambing na yumakap sa akin. "Good morning po, Mommy!" Kumikinang ang mga mata niya dahil sa tuwa. "Good morning, baby," malambing kong hinimas ang pisngi ng bata. "Pasensya ka na, Riell. Gusto ka talaga makita ni Angelica, bago siya pumasok sa school. Sana hindi kami nakaka-isturbo sa 'yo." Bumaling ang paningin ko kay, Alejandro. Matamis siyang napangiti at ikinatuwa ko naman ito. "Wala naman problema sa akin," sabay ngiti ko. "Mommy, pwede po bang samahan mo po ako sa school? Ihatid mo po ako, Mommy," puno ng pagiging excited ng bata. Saglit akong natahimik para mag-isip nang maayos. "Sige na nga baby, sasamahan na kita. Wala rin naman akong gagawin ngayong ar
Last Updated : 2026-09-21 Read more