"Daddy, are you okay?" bungad sa akin ng anak ko nang imulat ko ang mata ko. Kita ko ang liwanag ng paligid. Pero hindi ito ang kwarto ko. "Daddy, nandito po tayo sa hospital ngayon. Dumugo po kasi ang ulo mo kagabi. Tapos nawalan ka po ng malay. Mabuti na lang po dumating po si Uncle Mark kagabi." Mahinahon na pagpapaliwanag ng anak ko. Pero, ramdam na ramdam ko ang lungkot sa kaniyang boses. Naalala ko ang mga nagawa ko kagabi. "Son, where's your Mom?" Si Xyriel ang gusto kong makita ngayon. Alala ko pa dati na sa tuwing may nangyayaring ganito. Palaging nasa tabi ko ang asawa ko para alagaan ako. Ngayon ang unang beses na wala siya at hindi ako sanay. Hindi nakasagot si Sean. Yumuko lang ang bata pero damang-dama ko ang malamig na loob niya. "Hayts, ano na naman ang pinagsasabi mo diyan, Xian?" Hindi ko napansin na nandito pala si Mark sa loob ng kwarto. Lumapit siya sa akin at tiningnan ang kalagayan ko. "Xian, hindi naman masasagot ni Sean ang tanong mo. Kaya huwag mo n
Last Updated : 2026-09-16 Read more