Forgive Me Please, Love Me Again

Forgive Me Please, Love Me Again

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-14
โดย:  BITUING GRACIA'Sอัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 คะแนน. 1 ทบทวน
7บท
11views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

Tunay na pagmamahal na sinuklian ng kataksilan. "Ako ang asawa mo Xian! Bakit si Diana ang kinakampihan mo?! Kahit ako ang nagsasabi ng totoo!" umiiyak na sigaw ni Xyriel. Samantalang nakayakap si Diana sa asawa ni Xyriel at pekeng umiiyak ito. "Enough Xyriel! Sinaktan mo si Diana tapos ikaw ang aarte?!" malakas na pagbalik ng sigaw ni Xian kay Xyriel. "Nakita mo naman na ako ang may dugo. Kaya ako ang nasaktan hindi si Diana!" Patuloy na umiiyak si Xyriel. Ngunit, hindi nakinig si Xian sa kaniya. Dagdag pa ang kanilang anak na si Sean na kumakampi kay Diana. "You hurt my mommy! Kaya ayaw ko sa 'yo dahil bad ka!" sigaw ni Sean sa kaniyang tunay na ina na si Xyriel. Ngunit, ang kaniyang tinuturing na ina ay si Diana. Bakit kaya naging ganito ang sitwasyon ng masayang pamilya? Magkakaroon kaya ng second chance sa pagitan ni Xyriel at Xian? Kung sakaling mapagod si Xyriel? O ito ay tuluyan ng kakalabanin ang sarili niyang pamilya? Abangan! Kung paano haharapin ni Xyriel ang pagsubok ng kanilang buhay!

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

PROLOGUE

Xyriel

Bata pa lang ako ay si Xian na ang tinitibok ng puso ko. Labis ko siyang minahal. Ginagawa ko ang lahat upang ibigay sa kaniya ang mga makakaya ko. Samantalang siya naman ay palaging na nanatili sa tabi ko. Hanggang sa ikinasal kami ni Xian. Simple lang ang buhay namin. Habang siya ay nagtatrabaho sa kaniyang kompanya. Ako naman ang nag-aasikaso sa loob ng bahay. Ako na ang naghuhugas, nagluluto at naglalaba at iba pa. Dahil ayaw ko na may katulong kami sa bahay.

Hanggang sa lumipas ang ilang buwan matapos ang kasal ay nakabuo kami ng sarili naming anak. Ito ay lalaki.

Sa araw na ito, sinamahan ako ni Xian sa hospital kahit marami siyang ginagawa..

"Mahal, excited na ako sa paglaki ng anak natin. Siguro ko mga ilang days or weeks. Makikita na tayo ni baby," nakangiting sanaysay ko habang hinihimas ko ng dahan-dahan ang ulo ng anak namin.

Masayang-masaya ako para sa amin. Dahil sa wakas sa walong taon na pagmamahalan namin ni Xian ay nakabuo na rin kami ng anak.

"Yeah honey, ang galing ko pumili ng pangalan ni baby Sean. It's cute right?" malambing na wika ng asawa ko. Malambing niyang hinalikan ang kamay ko.

"Ang cute nga mahal. Gustong-gusto ko nga eh. Sure ako mahal na healthy ang anak natin. Lalo na nandito ka para alagaan kami," sabay ngiti ko.

"Hindi ko naman kaya na pabayaan na lang ang asawa ko at ang anak ko." Malambing niya akong hinalikan sa noo ko.

"Ikaw talaga, kaya mahal na mahal kita eh. Dahil, mahal na mahal mo kami."

Hindi ko maipaliwanag ang labis na tuwa na nararamdaman ng puso ko. Basta masayang-masaya ako na kasama si Xian.

Maya-maya pa, may pumasok na doctor sa loob ng kwarto namin. Nakangiti itong lumapit sa amin. May dala siyang bond paper. Tila ay documents yata ang laman no'n.

"Hello Lopez Family congratulations. Dahil maayos ang lagay ng bata. Healthy na healthy siya pinanganak. Basta babantayan niyo pa rin ang paglaki ng bata ah."

Ramdam na ramdam ko ang tuwa ng doctor. Kaya naman, mas lalo pa akong nagiging masaya.

"Ahm, doc pwede na ba kaming lumabas sa hospital? Gusto ko sana na ako na mismo ang mag-alaga sa mag-ina ko. Mas komportable kasi ako na ako ang mag-aasikaso sa kanila sa bahay," masayang tugon ng asawa ko.

"Sure Mr. Lopez, pwede mo na sila i-uwi," nakangiting sagot ni doc.

"Alright, thank you doc."

Tumayo ang asawa ko. Magalang na nakipagkamay siya kay doc gano'n din si doc sa asawa ko.

Nang matapos, nakangiting humarap muli sa akin si Xian. Walang alinlangan niyang hinalikan ang noo ko.

"I love honey. You're the best woman I meet the most. You are always beautiful," sabay malambing niyang hinalikan ang labi ko.

Kinikilig ako sa ginagawa ng asawa ko. Kahit na kailan talaga hindi ko naramdaman na may pagkukulang siya sa akin. Kahit na marami siyang ginagawa sa kompanya niya.

"Ahm, honey by the way. Aayusin ko muna ang bill ng hospital. Kaya iiwanan ko muna kayo ni baby Sean. Babalik ako agad," pagpapaalam nito sa akin.

"Sige mahal ko, basta bumalik ka agad ah. Take care my love," paglalambing ko.

"Of course babalik ako agad."

Maayos na umalis si Xian. Samantalang ako ay nilalambing ko ang gwapong anak ko.

"Sean, anak masaya si mom at dad dahil nandito ka na. Lumaki ka agad ah. Heheh, you are a very cute baby," sabay halik ko sa ulo ng anak ko.

Habang kinakausap ko si Sean. Lumilipas din ang takbo ng oras. Ngunit, ang tagal naman ng asawa ko na magbayad ng bill. Nais ko sanang lumabas ng kwarto. Pero, hindi ko magawa dahil ayaw ko naman na iwanan lang si Sean.

"Baby, hintayin lang natin si Daddy ah. Babalik na 'yon. Inasikaso niya lang ang bill, okay?" nakangiting saad ko sa anak ko.

Subalit, halos magdadalawang oras na ay hindi pa rin nakakarating si Xian. Hindi ako mapakali dito sa higaan. Kaya naman inayos ko ang anak ko sa higaan. Sinigurado ko ang kaligtasan ng bata. Pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto. Tahimik ang paligid at ramdam ko ang lamig.

Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Xian. Ngunit, sa isang bukas na kwarto. Hindi ko inaakala ang makikita ko. Si---

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


ความคิดเห็น

Love
Love
Nice po Ms. A! Nakaka excite!
2026-08-14 18:34:57
0
0
7
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status