XYRIEL POINT OF VIEW "Ihahatid na kita sa inyo, Xyriel," nakangiting wika ni Alejandro. Kakatapos lang namin ngayon mamasyal. "Mommy, pumayag na po kayo kay, Dad. Ihahatid ka na po namin ni Daddy, ah," pagpapa-cute ng bata. Wala akong ibang maisagot kundi matamis na oo. Inalalayan naman ako ni Alejandro papasok sa kotse niya at katabi ko ngayon si Angelica. Sobrang lambing sa akin ng bata kaya nakakataba siya ng puso. "Mommy, sobrang ganda niyo po talaga. Bagay na bagay po kayo ni, Dad. Ayos lang po ba Mommy?" Agad na bumaling ang atensyon ko sa labas ng sasakyan. Hindi ko inaasahan na sasabihin ito ngayon ni Angelica. "Baby, don't say that, okay? May ibang baby pa rin si Mommy Riell mo, kaya hindi ako pwede sa kaniya, okay?" mahinahon na tugon ni Alejandro. Napag-usapan na rin namin ni Alejandro ang tungkol sa bagay na 'to, kaya alam niya ang buhay ko. Nagulat nga ako ng malaman kong magkaibigan pala sila ni Xian. "Gano'n ba? Pero pwede naman po maging dalawa kami na
Last Updated : 2026-09-18 Read more