Nasabi na ni Dianne sa kanya noon na may small-time business ang pamilya nila, at nagkaproblema 'yon kaya kinuha muna siya ni Tita Monique, para makapag-aral siya nang maayos. Pero wala siyang nasabi na sobrang yaman nila, kagaya ng sinabi ng matandang iyon kanina. Sana kasi ay ginising man lang siya nito kagabi, noong paalis na siya. 'Di niya tuloy alam kung ano ang gagawin at iisipin."H'wag niyo na ngang asarin 'tong kaibigan namin! Alam niyo namang mahal na mahal nito ang Yanny niya, e. Kaya nag-aalala lang siya, 'di ba, tol?" wika ni Brad na marahan siyang sinuntok sa braso."Ganito na lang, pumunta na tayo ng bayan para makapag-apply na ng trabaho, habang hinihintay natin ang tawag ni Dianne. Ano, game?" tanong ni Badong na napaakbay na sa kanya."Tatawag 'yon, tol. Si Dianne pa. Alam mong 'di ka matitiis nun.
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-13 อ่านเพิ่มเติม