로그인INIHINTO siya ng taxi sa tapat ng isang malaki at 3-storey na bahay. Ipinakita niya lang sa driver ang papel na hawak-hawak niya kung saan nakasulat ang address ni Dianne. Nagbigay siya ng bayad at kaagad na bumaba. Nilibot ng mga mata niya ang buong paligid at hindi siya makapaniwalang ang isang simpleng Dianne na walang kaarte-arte sa buhay ay nakatira noon sa napakalaking bahay na ito. Makulimlim na at kitang-kita niya ang nagagandahang mga ilaw sa loob ng b
"D-DIANNE? A-are you okay?"Tila nagising siya sa isang masakit na panaginip nang muling nagsalita si Abby. Tinatangay siya ng nakaraan at nagbabadyang mangilid ang mga luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya para sa sarili, at para kay Ruan."Y-yeah, I'm fine... Abby, if you don't mind, can I go now?--"Biglang bumukas ang pinto, at nakita niyang papasok na si Ruan, bitbit nito ang isang paper bag. Nakita niya ang pag-awang ng mga labi ni Ruan."Is that my clothes?" tanong niya sa binata na nakatingin lang sa kanya."Thank you, but I really need to go." wika niya habang papalapit kay Ruan para kunin ang mga damit sa loob ng paper bag, pero pinigilan siya ni Abby."Dianne, wait. I
"Mayamaya, nadiyan na 'yon. Besides, nandito ka na rin lang, dito ka na rin mag-breakfast." wika nito habang nilalabas sa paper bag ang mga pinamili."By the way, I'm Abbigail Carantes. You can just call me Abby. I'm Ruan's partner in our investigation department. We're both private investigators, in case you want to know. Diyan lang sa kabila ang room ko, pero sabay kaming kumakain ni Ruan, kaya nandito ako ngayon." pagpapakilala ng kaharap sa kanya.Private Investigator na pala si Ruan? Oo nga pala, natatandaan niyang pangarap ngang maging detective ng binata noon."I'm Dianne, Dianne Drillon." pagpapakilala niya sa sarili."Yeah, alam ko. Kilala na kita." wika ni Abby na naghuhugas na ng mga gulay na pinamili nito."Kilala
DAHAN-DAHANG napadilat si Dianne nang maramdaman ang sakit ng ulo niya. Napaupo siya mula sa pagkakahiga at napahilot sa sentido. Ganoon na ba karami ang nainom niya kagabi, kaya't parang pinupukpok ng isang matigas na bagay ang ulo niya?Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang tuluyang bumukas ang mga mata niya. Wala siya sa hotel na tinutuluyan niya at hindi niya alam kung nasaang kuwarto siya. Nilibot niya ang paningin sa buong paligid at unti-unti niyang naalala ang lahat.Uminom siya sa loob ng kuwarto niya kagabi, dahil biglang bumalik sa alaala niya ang nakaraan at lahat ng nangyari sa kanila ni Ruan. Naisip niyang kagagawan niya pala ang lahat kung bakit nawala ang mga magulang niya at kung bakit nasaktan niya noon ang binata. Sa sobrang sakit na naramdaman niya at galit niya sa sarili, 'di niya napigilang uminom nang marami.
Sino naman ang maghahanap sa kanya sa ganitong oras?Sinulyapan niya ang wristwatch at nakita niyang alas tres na ng umaga. Ilang oras pa lang ang naitutulog niya mula noong umuwi sila ni Abby galing sa bar kagabi.Napaupo siya sa kama at napahilot sa sentido. Masakit ang ulo niya dahil sa dami ng nainom kagabi. Nakapikit niyang tinungo ang pintuan na hindi naman kalayuan sa kama niya. Naiinis na pinihit niya ang seradura ng pinto dahil wala pa ring tigil sa pagkatok ang tao sa labas.Kasabay ng pagdilat ng mga mata niya ang laki ng pagkagulat niya nang makita kung sino ang nasa harapan niya. Biglang nawala ang antok niya.Dianne is standing in front of him, with her messy long hair. Naniningkit ang mga mata nito at namumula ang buong mukha. Amoy na amoy niya ang alak na
NILAGOK ni Ruan ang isang baso ng tequila, habang pilit na winawaksi sa isipan ang mga mapapait na alalang iyon.Hindi na siya nag-abalang sundan pa si Dianne kanina noong umalis ito, dahil alam niya na napakainit pa ng tagpong iyon para sa kanilang dalawa. Fate is playing a cruel trick on him, again.Dumerecho siya sa isang exclusive na bar malapit sa hotel na tinutuluyan niya, at inanod niya ang sarili sa pag-inom. Sampung taon niya nang kinalimutan ang lahat at hindi niya aakalaing darating ang panahong ito, na makikita niyang muli sa hindi inaasahang pagkakataon ang babaeng nanakit at nag-iwan ng hindi maiburang marka sa puso niya.The face of that woman is glued to his mind, na kahit anong gawin niya ay hindi mawala-wala sa paningin niya ang kabuuan nito, magmula nang muli niya itong makita kanina. Napakarami n
"Yanny? Please, kausapin mo naman ako. Ano bang kasalanan ko? Sabihin mo, bakit ka umalis? Anong problema?" malakas niyang sigaw. Sa tingin niya ay naririnig siya ng dalaga."Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap!"Napatigil si Ruan nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, ngunit ganoon pa man ay hindi pa rin siya tumitigil sa pagdo-doorbell at pagkatok sa gate. Nababasa na ang bag niya kaya't minabuti niyang kunin ang wallet at cellphone sa loob noon at ibulsa sa loob ng black leather jacket niya."Yanny? Please naman, oh—"Napatigil siya sa pagsigaw nang biglang bumukas ang gate at lumabas galing doon ang katulong na nakausap niya kanina, at may dala itong payong."Sir, umalis na po kayo at baka maabu







