“NAKAPAG-BOOK na po ako ng ticket niyo at naka-book na rin ang hotel na tutuluyan niyo sa Dubai, Miss Dianne. Settled na rin ang lahat ng schedules at appointments doon. Atsaka ito po ang first overseas niyo na hindi ako kasama, kaya sobrang worried po ako na baka—”“Angela, puwede ba?” putol ni Dianne sa secretary niyang nakabuntot sa kanya habang naglalakad sila papasok sa kanyang office. “Alam mo bang habang tumatagal, para ka nang si Tita Monique? Kaya ko ang sarili ko, okay? Hindi ako lampa katulad mo. Coffee, please!”“Yes, ma'am.”Kaagad namang humiwalay ng landas ang secretary niyang kinaiinisan. Lampa na nga, napakakulit pa. Kapag pinagmamadali niya, kung hindi natitisod sa kung saan, nadadapa. Pero ewan niya ba at ayaw niya namang alisin sa trabaho si Angela.Four years na itong nagtatrabaho sa kanya. Siguro iyon ay sa kadahilanang masipag ito at lahat naman ng kailangan niya ay naibibigay kaagad nito, at maayos namang nagagawa ang mga utos niya.Sophisticatedly, Dianne walk
Last Updated : 2026-08-05 Read more