“SIR, I think next week ay darating na kaagad ang first ever shipment ng kumpanya.” pag-imporma sa kaniya ng assistant niya. Napakunot ang noo niya ng wala s aoras. “Bakit parang hindi ka masaya?” Halos mapakamot naman ito sa ulo. “Hindi naman sa ganun sir, pero…” ngumiti ito sa kaniya. “Napakalayo na ng kumpanya ngayon kaysa noong nagsisimula pa lang.”Sumandal lang siya sa kanyang kinauupuan bago napa buntong hininga. “Tama ka at tiyak na malaki pa ang maaabot ng kumpanya sa mga susunod na buwan at taon.”Alam niyang ang ZSA company ay makilala sa buong bansa pagkalipas ng ilang taon at iyon naman talaga ang goal niya. Gusto niyang i-expand ang kumpanya niya hindi lang dito kundi maging sa ibat-ibang probinsya kung saan ay alam niyang magiging malaki ang kita niya.Maging ang logistics company nila ni Sea, kapag naging successful ay plano niya itong i-expand sa ibang lugar. Gusto niyang locally ay may ibat-iba silang warehouse.“Well, anyway sir, ito na nga pala ang report tungkol
Last Updated : 2026-09-21 Read more