Share

Chapter 57

Author: Luffytaro
last update publish date: 2026-09-22 12:33:15

AFTER a week ay nag-umpisa ng mag-operate ang warehouse ng S and Z logistics company at simula noong nagtrabaho si Thea doon ay masasabi niyang medyo naging busy talaga siya. Napakarami kasing trabaho sa warehouse idagdag pa na bago pa lang ito kaya medyo nangangapa pa sila.

Maaga pa lang noong araw na iyon ay abalang-abala na ang lahat sa loob ng warehouse. Maririnig sa loob ang tunog na umaandar na forklift, kalansing ng mga bakal na pallets at pauulit-ulit na pag-beep ng mga trucks.

Huminto
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 59

    HINDI nakatulog ng maayos si Zach kagabi. Ilang beses niyang sinubukang umalis mula sa pagkakayakap sa kaniya ni Thea ngunit ayaw siya nitong pakawalan. Sa tuwing susubok siyang bumangon ay palagi na lang itong gagalaw. Madaling araw na yata noong tuluyan siyang nakaalis sa tabi nito kaya lang pagbalik niya sa silid niya ay hindi naman siya makatulog.Kahit na antok na antok pa ay bumangon pa rin siya at nagpunta sa opisina. Dahil maaga pa ay hindi wala pang gaanong tao sa office hindi katulad ng karaniwang oras sa tuwing papasok siya sa kanyang opisina. Habang nakaupo siya sa harap ng kanyang computer ay bigla na namang pumasok sa isip niya ang eksena kagabi. Ang pag-iyak ni Thea habang pilit nagsusumiksik sa dibdib niya.Nang makita niyang tumulo ang luha mula sa mga mata nito ay talaga namang nakaramdam siya ng galit at ng kagustuhang punasan ang mga luha nito pero sa halip na punasan ito, hinayaan niya lang itong tumulo. Dahil baka kapag pinunasan niya ang luha nito, hindi niya k

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 58

    ALAS syete na ng gabi nang makaalis si Sea at Thea sa warehouse dahil tinapos pa nila ang mga kailangan nilang i-deliver na materials. Dahil nga nagkasundo na sila na kumain sa labas kanina ay magkasama silang nagtungo sa restaurant na ini-reserve ni Sea para sa kanilang dalawa.“You have a nice taste choosing a restaurant huh?” biro niya rito. Napakaganda kasi ng ambience. Hindi lang iyon, napakatahimik at may magandang view. Talagang mai-enjoy mo ang pagkain mo since nasa isa silang VIP room at may floor-to-ceiling-window kung saan ay tanaw ang buong syudad.Tumayo siya sa tabi ng bintana at tahimik na tumanaw sa labas. “Akala ko talaga dati ay napa seryoso mong tao.” sabi nito at tumabi sa kaniya. Tahimik lang din naman itong tumanaw sa labas ng bintana kagaya niya.Natawa na lang tuloy siya ng wala sa oras. “Grabe ka naman sa akin.” sagot niya habang nangingiti. Hindi naman kasi sil close noon ni Sea sa totoo lang.“Ang galing mo rin dahil naisip mo ang logistics company.” pagbubu

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 57

    AFTER a week ay nag-umpisa ng mag-operate ang warehouse ng S and Z logistics company at simula noong nagtrabaho si Thea doon ay masasabi niyang medyo naging busy talaga siya. Napakarami kasing trabaho sa warehouse idagdag pa na bago pa lang ito kaya medyo nangangapa pa sila.Maaga pa lang noong araw na iyon ay abalang-abala na ang lahat sa loob ng warehouse. Maririnig sa loob ang tunog na umaandar na forklift, kalansing ng mga bakal na pallets at pauulit-ulit na pag-beep ng mga trucks.Huminto ang isang forklift sa harap ng receiving area. “Dahan-dahan lang.” sabi ni Thea. “Kailangan niyong siguraduhin na walang mababangga sa mga pallet.”“Okay po ma’am!” mabilis naman na sagot ng mga ito sa kaniya.Nakatayo siya sa tabi ng warehouse supervisor na may hawak na tablet noong mga oras na iyon. Ito ang unang shipment ng logistics company nila which is ang mga materials na kailangan nila para sa hotel. Hindi pa nila pormal na binuksan ang kumpaniya sa ibang tao dahil nangangap pa sila at i

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 56

    ISANG linggo ang mabilis na lumipas. Binuo nila ang plano para sa hotel sa Baguio. Bukod pa doon, dahil palaging busy ai Zach at halos hindi na ito makausap pa ni Thea ay sa assistant na lang nito niya pinadaan ang gusto niyang sabihin tungkol kay Nat. Nag-message na naman kasi ito sa kaniya kagabi at tinatanong ang tungkol doon. Wala pa naman siya maisagot dahil nga hindi pa siya nito kinakausap. Lumapit sa kaniya ang assistant ni Zach. “miss Thea, pumayag na po sir na i-hire ang kaibigan niyo as of now.” sabi nito sa kaniya kung saan ay kaagad na nagliwanag ang mga mata ni Thea dahil sa saya. Hindi niya inaasahang papayag ito sa sinabi niya.Masaya siya para sa kaibigan niya dahil sa totoo lang, kung sakali man na dito ito magtrabaho ay tiyak na marami itong matutunan. “And may sasabihin daw po sa inyo si sir.” sabi nito na ipinagtaka niya sa totoo lang. Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano naman kaya ang sasabihin nito?Sa mga nakaraang mga araw ay hindi sila nag-uusap, kung hind

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 55

    NAUNANG nagpaalam sa kaniya si Nathalie. Naiwan siya sa labas ng restaurant at naghihintay ng masasakyan niya nang isang mamahaling sasakyan ang tumigil sa harapan niya. Bumaba ang salamin ng sasakyan at nakita niya ang mukha ni Justin mula sa loob.Napa atras siya ng wala sa oras. It’s been months noong huling nagkrus ang landas nilang dalawa at kung may gusto man siyang gawin noong mga oras na iyon ay kundi ang umalis at makalayo rito. All she could feel towards him at that time was anger. Napakuyom ang mga kamay niya dahil sa galit. “Need a ride? Pwede kitang ihatid kahit saan pa yan.” mayabang na sabi nito sa kaniya. Gusto niyang masuka sa way ng pagkakangiti nito sa kaniya noonhg mga oras na iyon. Kung noon, halos tumaob ang sikmura niya sa kilig sa ngiti nito, ngayon naman ay halos masuka siya dahil sa disgusto.Ang dating gwapo sa paningin niya ay nagiging kasuka-suka. Paano ba niya minahal ang kagaya nito? “What? Hindi ka makapagsalita dahil nakita mo ulit ang kagwapuhan ko

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 54

    PULANG-pula ang mukha ni Thea paglabas niya mula sa opisina ni Zach. parang gusto niya na lang na lamunin ng lupa ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang ginawa ang bagay na iyon. Nababaliw na ba talaga siya?Simula pa kagabi ay palagi na itong dumadaan sa isip niya at nang makita niya ang sugat sa gilid ng labi nito ay bigla siyang binalot ng pag-aalala. Ilang beses siyang huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili niya. Wala talaga siyang ideya kung bakit siya umaakto ng ganun na para bang may isip ang katawan niya.Ipinilig niya ang kanyang ulo. Siguro ay dala lang iyon ng mga kung ano-anong naiisip niya nitong nakaraan at bukod pa doon, nanood kasi siya ng k-drama noong mga nakaraang gabi at pumasok pa sa isip niya what if ganun ang mangyari sa kanila ni Zach. tama, dahil lang iyon sa imahinasyon niya. Kung ano-ano na lang kasi ang pumapasok sa isip niya. Kailangan na talaga niyang maging abala para hindi niya naiisip at nagagawa ang mga nakakakila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status