공유

Chapter 59

작가: Luffytaro
last update 게시일: 2026-09-22 16:49:17

HINDI nakatulog ng maayos si Zach kagabi. Ilang beses niyang sinubukang umalis mula sa pagkakayakap sa kaniya ni Thea ngunit ayaw siya nitong pakawalan. Sa tuwing susubok siyang bumangon ay palagi na lang itong gagalaw. Madaling araw na yata noong tuluyan siyang nakaalis sa tabi nito kaya lang pagbalik niya sa silid niya ay hindi naman siya makatulog.

Kahit na antok na antok pa ay bumangon pa rin siya at nagpunta sa opisina. Dahil maaga pa ay hindi wala pang gaanong tao sa office hindi katulad
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 61

    ILANG minuto ng nakaalis ang assistant ni Zach pero nakatitig pa rin si Thea sa mga iniwan nitong damit sa kanyang mesa. Hindi niya pa rin alam kung anong arte ba ang gagawin niya mamaya. Ang isipin pa lang ang tungkol sa bagay na iyon ay medyo nai-stress na siya sa totoo lang. Paano pa kaya kung nandoon na siya? Napahilamos na lang siya sa sobrang frustration niya. Napa buntong hininga din siya at sa ganuong ayos siya naabutan ni Sea.“Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi.” sabi nito na nakakunot ang noo. Bigla itong napabaling sa mga inihatid ng assistant ni Zach na nasa mesa niya pa rin hanggang ngayon. “What’s this?” tanong nito at lumapit sa mesa niya. Hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito dahil binuklat na nito ang mga paperbag.“Oh, oo nga pala. Birthday nga pala ni Gov. ngayon. Invited din si Zach right?” tanong nito sa kaniya.Tumango lang siya.Mabilis itong umupo sa harap ng computer nito. “Kamusta ang shipment?”“Ayos naman. Na-check na namin lahat.”

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 60

    NAGSALUONG ang mga kilay ni Zach nang ibagsak ni Sea sa harap niya ang ilang mga dokumento. “What’s all of this?”Dahan-dahang napangisi si Sea sa kaniya. “We’re getting so many clients!” masayang bulalas nito. Ang kunot niya ng noo ay unti-unting nawala.“I told you.” tumaas ang sulok ng kanyang mga labi. Inexpect na talaga niya ang pagdagsa ng mga magiging clients nila sa totoo lang since successful ang unang shipment nila.“Kamusta na pala ang mga deliveries? Natapos ba?”Tumango naman ito. “Wala kang dapat ipag-alala tungkol sa mga deliveries. Nasa mabuting kamay iyon.” masayang sagot nito sa kaniya dahilan para mapasimangot langi siya ng wala sa oras.Tinatawagan niya ito kahapon pa para tanungin kung kamusta ang unang araw ng warehouse pero hindi ito sumasagot. Masyado pala itong naging busy hanggang gabi sa pagse-celebrate kasama si Thea. Nang maalala na naman niya na silang dalawa lang ang magkasama kagabi ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis sa totoo lang.“What?

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 59

    HINDI nakatulog ng maayos si Zach kagabi. Ilang beses niyang sinubukang umalis mula sa pagkakayakap sa kaniya ni Thea ngunit ayaw siya nitong pakawalan. Sa tuwing susubok siyang bumangon ay palagi na lang itong gagalaw. Madaling araw na yata noong tuluyan siyang nakaalis sa tabi nito kaya lang pagbalik niya sa silid niya ay hindi naman siya makatulog.Kahit na antok na antok pa ay bumangon pa rin siya at nagpunta sa opisina. Dahil maaga pa ay hindi wala pang gaanong tao sa office hindi katulad ng karaniwang oras sa tuwing papasok siya sa kanyang opisina. Habang nakaupo siya sa harap ng kanyang computer ay bigla na namang pumasok sa isip niya ang eksena kagabi. Ang pag-iyak ni Thea habang pilit nagsusumiksik sa dibdib niya.Nang makita niyang tumulo ang luha mula sa mga mata nito ay talaga namang nakaramdam siya ng galit at ng kagustuhang punasan ang mga luha nito pero sa halip na punasan ito, hinayaan niya lang itong tumulo. Dahil baka kapag pinunasan niya ang luha nito, hindi niya k

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 58

    ALAS syete na ng gabi nang makaalis si Sea at Thea sa warehouse dahil tinapos pa nila ang mga kailangan nilang i-deliver na materials. Dahil nga nagkasundo na sila na kumain sa labas kanina ay magkasama silang nagtungo sa restaurant na ini-reserve ni Sea para sa kanilang dalawa.“You have a nice taste choosing a restaurant huh?” biro niya rito. Napakaganda kasi ng ambience. Hindi lang iyon, napakatahimik at may magandang view. Talagang mai-enjoy mo ang pagkain mo since nasa isa silang VIP room at may floor-to-ceiling-window kung saan ay tanaw ang buong syudad.Tumayo siya sa tabi ng bintana at tahimik na tumanaw sa labas. “Akala ko talaga dati ay napa seryoso mong tao.” sabi nito at tumabi sa kaniya. Tahimik lang din naman itong tumanaw sa labas ng bintana kagaya niya.Natawa na lang tuloy siya ng wala sa oras. “Grabe ka naman sa akin.” sagot niya habang nangingiti. Hindi naman kasi sil close noon ni Sea sa totoo lang.“Ang galing mo rin dahil naisip mo ang logistics company.” pagbubu

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 57

    AFTER a week ay nag-umpisa ng mag-operate ang warehouse ng S and Z logistics company at simula noong nagtrabaho si Thea doon ay masasabi niyang medyo naging busy talaga siya. Napakarami kasing trabaho sa warehouse idagdag pa na bago pa lang ito kaya medyo nangangapa pa sila.Maaga pa lang noong araw na iyon ay abalang-abala na ang lahat sa loob ng warehouse. Maririnig sa loob ang tunog na umaandar na forklift, kalansing ng mga bakal na pallets at pauulit-ulit na pag-beep ng mga trucks.Huminto ang isang forklift sa harap ng receiving area. “Dahan-dahan lang.” sabi ni Thea. “Kailangan niyong siguraduhin na walang mababangga sa mga pallet.”“Okay po ma’am!” mabilis naman na sagot ng mga ito sa kaniya.Nakatayo siya sa tabi ng warehouse supervisor na may hawak na tablet noong mga oras na iyon. Ito ang unang shipment ng logistics company nila which is ang mga materials na kailangan nila para sa hotel. Hindi pa nila pormal na binuksan ang kumpaniya sa ibang tao dahil nangangap pa sila at i

  • Betrayed by My Ex-Husband, Claimed by His Stepbrother   Chapter 56

    ISANG linggo ang mabilis na lumipas. Binuo nila ang plano para sa hotel sa Baguio. Bukod pa doon, dahil palaging busy ai Zach at halos hindi na ito makausap pa ni Thea ay sa assistant na lang nito niya pinadaan ang gusto niyang sabihin tungkol kay Nat. Nag-message na naman kasi ito sa kaniya kagabi at tinatanong ang tungkol doon. Wala pa naman siya maisagot dahil nga hindi pa siya nito kinakausap. Lumapit sa kaniya ang assistant ni Zach. “miss Thea, pumayag na po sir na i-hire ang kaibigan niyo as of now.” sabi nito sa kaniya kung saan ay kaagad na nagliwanag ang mga mata ni Thea dahil sa saya. Hindi niya inaasahang papayag ito sa sinabi niya.Masaya siya para sa kaibigan niya dahil sa totoo lang, kung sakali man na dito ito magtrabaho ay tiyak na marami itong matutunan. “And may sasabihin daw po sa inyo si sir.” sabi nito na ipinagtaka niya sa totoo lang. Nagsalubong ang mga kilay niya. Ano naman kaya ang sasabihin nito?Sa mga nakaraang mga araw ay hindi sila nag-uusap, kung hind

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status