DALAWANG taon na sila bilang mag-asawa at halos apat na taon bilang magkarelasyon ngunit ni minsan ay hindi sumagi sa isip ni Thea kahit minsan na lolokohin siya ng asawa niya. Halos kainggitan siya ng ibang babae dahil napaka-perpekto na nito halos, ngunit ang lahat ng iyon ay gumuho ng dahil lang sa nakita niya.Nakadalawang baso na siya ng hard drink nang dumating ang kaibigan niyang si Nathalie. Tinawagan niya ito, kahit na maaga pa ay sinagot nito ang tawag niya. Medyo groggy pa nga ang boses nito kanina pero nang sabihin niyang samahan siya nito sa bar ay hindi ito nagdalawang isip na pumayag.Hindi siya ganun kasanay na uminom kaya nang dumating ang kaibigan niya ay medyo nahihilo na siya. “You’re here…” sabi niya rito.Umupo ito sa tabi niya. Ang mukha nito ay puno ng pag-aalala. “Totoo bang niloko ka ni Justin?”Tumango siya. “Yeah, I caught him.” sagot niya at napuno ng sakit ang dibdib niya. Napakagat labi siya at sa sumunod na sandali ay naramdaman niyang naglandas sa pis
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-06 อ่านเพิ่มเติม