BAWAT palapag ng building ay ipinakita ng owner kay Zach at masasabi niyang nasa maganda pa namang lagay ang building at wala pa gaanong kailangang ayusin. Ito ay isang commercial building ngunit ang ibang palapag ay walang nagrerenta kaya bakante. May mga office sa baba at sa bandang itaas naman ay doon na walang tao. Sa pinakataas na palapag ay hindi pa natatapos dahil daw kinulang na ng budget.“The reason why I am selling this is because, wala kaming anak ng asawa ko at gusto niya ng mag-settle sa tabi ng bundok kung saan ay tahimik, payapa at may sariwang hangin. Sawa na raw siya sa city life at gusto na lang niya i-enjoy ang buhay naming dalawa na magkasama.” paliwanag sa kaniya ng owner ng building.Sa tantiya niya ay nasa early seventy na siguro ito dahi medyo matanda na ito. Pero ang hindi niya maintindihan, personal itong tumawag sa assistant niya para ialok sa kaniya ang building. “I am just curious sir, why me? I mean, marami namang pwedeng bumili pero bakit ako ang pinili
Dernière mise à jour : 2026-09-17 Read More