Sophia’s POV Unti-unting nilamon ng purong, nakatatakot na kadiliman ang kalangitan sa labas ng lighthouse tower. Krrr... Isang malakas at nakakahiya na tunog ng kumakalam na tiyan ang biglang umalingawngaw sa katahimikan, nagmula kay Celone. Ilang segundo lang ang lumipas, sumunod naman ang mahina ngunit masakit na ungol mula sa sarili kong tiyan. Napayuko ako sa hiya, habang si Celone ay tahimik na napahawak sa kaniyang sikmura. God, when was the last time we even ate? Sa gitna ng takot at kawalan ng katiyakan, gutom na gutom na kami, pero ni katiting na pagkain ay wala kaming makuha. Nakatitig lang ako sa basag na semento ng sahig, taking deep and painful breaths to conserve whatever strength I had left. Sa sulok ng silid, napatigil si Mr. Valderama sa kaniyang pabalik-balik na paglakad. Nakaupo siya sa isang lumang, sirang kahoy na kahon, dahan-dahang pinalilipat ang kaniyang namumula at pagod na mga mata sa aming dalawa ni Celone. "Lalabas lang ako para kumuha ng pagkain sa
Huling Na-update : 2026-10-26 Magbasa pa