Sophia’s POVNakatitig lang ako kay Dad habang nakaupo kami sa loob ng aming private plane.Habang umaakyat ang eroplano sa kalawakan patungong Maldives, si Mom ay relaxed na relaxed na nagbabasa ng magazine sa kaniyang leather seat, at si Celone naman ay masayang naglalaro sa kaniyang iPad. Pero si Daddy? Nakatayo siya sa may pasilyo ng cabin, nakahalukipkip, nakatagaytim ang panga, at nakatitig nang matalim sa bintana na para bang kaya niyang pasabugin ang buong kalawakan gamit lang ang kaniyang tingin.Nakataas ang isang kilay ko habang pinagmamasdan siya."Dad, baka matunaw 'yang bintana," sita ko habang humihigop ng juice. "Nasa kabilang commercial flight naman si Mr. Valderama. Hindi siya makakalipad papunta rito sa eroplano natin."Lumingon si Dad sa akin. Inayos niya ang kaniyang polo shirt at umupo sa tapat kong armchair, maintaining his rigid, mafia-boss posture."I'm just making sure, Sophia," malamig ngunit seryoso niyang sagot. "At tsaka, habang naaalala ko... kumusta ang
Last Updated : 2026-10-08 Read more