"Hindi. No way. As in, never," matigas na wika ni Celestine sabay krus ng kanyang mga bisig habang nakatitig sa news headline sa telepono ni Alessandro. "Celestine, pakinggan mo muna ako—" "Mr. Virelli, kaya kong protektahan ang sarili ko. Hinding-hindi ako titira sa bahay mo," depensa niya habang pilit na dinededma ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. "At isa pa, apartment ko 'yun! May tatlong padlocks ang dood ko, may baseball bat ako sa tabi ng kama, at kaibigan ko ang barangay tanod sa kanto. Ligtas ako." Bumuntong-hininga si Alessandro, tila nawawalan na ng pasensya sa katigasan ng ulo ng kanyang sekretarya. "Hindi barangay tanod ang kalaban mo rito, Celestine. Media at galit na publiko ang—" "Kaya ko 'to, salamat nalang sa pag-alala." mabilis niyang putol. Agad niyang kinuha ang kanyang bag, isinabit ang foldable chair sa balikat, at maingat na inilagay ang laser measure at megaphone sa kanyang tote bag. "And Sophia, I'm sorry pero tatanggi si Mommy... I mean, ni Ate Cele
Last Updated : 2026-08-12 Read more