Celestine’s POVNang maisara ang door at tuluyang makalabas sila Leslie sa silid, mabilis na lumapit si Alessandro sa akin.Ang kaniyang mga mata ay pinalitan ng matinding galit, pagod, at isang hindi maikailang pamatay-taong dilim. Hawak-hawak niya ang red na folder sa kaniyang kamay na nanginginig sa sobrang higpit ng pagkakahawak."Celestine," paos niyang simula habang nakatitig sa akin. "I have bad news—""Ako rin, Alessandro," mabilis at malamig kong putol sa kaniya, my voice cutting through the heavy air between us. "At pakiramdam ko, pareho tayo ng sasabihin."Napatigil si Alessandro. Tinitigan niya ako nang diretso sa aking mga mata, taking a sharp breath as he slowly opened the folder in his hand."Leslie," sabay naming binitawan ang pangalan sa gitna ng silid.Isang nakabibinging, chaotic na katahimikan ang sumunod.Nanginig ang buo kong katawan habang mabilis kong inagaw ang mga papel mula sa folder n
Huling Na-update : 2026-10-27 Magbasa pa