Sa wakas, natapos din. Matagal na nakatitig si Celine sa damit na nakasabit sa mannequin sa gitna ng atelier. Hindi na niya mabilang kung ilang gabi niyang pinilit tapusin iyon. Ilang beses niya itong hinubad mula sa mannequin. Ilang beses niya ring binuksan ang tahi, pinutol ang sinulid, at nagsimulang muli. May mga gabing pakiramdam niya ay hindi niya kayang hawakan ang tela nang hindi bumabalik ang sakit. May mga umagang sapat na ang isang simpleng tunog ng gunting para maalala niya ang mga panahong kasama pa niya si Drake. Pero ngayon… Tahimik na ang lahat. At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi na niya nakikita ang damit bilang alaala ng nakaraan. Nakikita niya ito bilang sarili niya. Lumapit siya. Marahan niyang hinaplos ang manggas. Ang telang dating tila mabigat sa kanyang mga kamay ay ngayo’y magaan na. Parang sa wakas, natutuhan na nitong huminga kasama niya. Napangiti si Celine. “Finally.” Isang salita. Pero para sa kanya, parang isang
Last Updated : 2026-08-23 Read more