Binurda Mong Sugat

Binurda Mong Sugat

last updateLast Updated : 2026-08-27
By:  Olivia ThriveOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
27Chapters
290views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

BINURDA MONG SUGAT Si Celine ay isang self-made woman at fashion icon na walang ibang hinangad kundi ang pagmamahal ni Drake, isang bilyonaryong unang nakapagpabihag sa kanyang mailap na puso. Ngunit isang kasinungalingan ni Elise ang sumira sa kanilang pagsasama. Napaniwala ni Drake na pinakasalan lamang siya ni Celine para sa pera. Bilang ganti, nagkaroon siya ng affair at unti-unting sinaktan ang babaeng minsan niyang minahal. Hanggang sa tuluyan siyang iwan ni Celine. Lumipas ang panahon at bumalik siya—mas matagumpay, mas makapangyarihan, at determinado nang maghiganti. Pero bakit sa tuwing nagtatagpo ang kanilang mga mata, ang pusong pilit niyang pinatay ay muling nabubuhay? At paano kung ang tunay na dahilan ng kanilang pagkawasak ay mabunyag? Magbabago ba ang kanilang tadhana?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Mrs. Monreal, your husband is waiting.”

Napangiti si Celine.

“Again?”

Napailing ang assistant niya bago ngumiti. “He said he won’t leave without you.”

Napatingin si Celine sa malaking salamin sa harap niya.

Maayos ang pagkakasuot ng cream-colored dress niya. Simple ngunit eleganteng couture piece mula sa sarili niyang koleksiyon. Ang dating fashion designer sa likod ng damit na iyon ay siya mismo.

Matagal na siyang hindi gumagawa ng sariling koleksiyon.

Matagal na rin niyang iniwan ang mundo ng fashion.

At sa totoo lang, hindi niya pinagsisisihan iyon.

Dahil kapalit ng career na iyon, nakuha niya si Drake.

Ang lalaking minahal niya.

Ang asawa niyang halos perpekto.

Paglabas niya ng dressing room, agad niyang nakita si Drake na nakatayo sa lobby.

Matangkad, gwapo, naka-black suit, at seryosong-seryoso ang mukha gaya ng dati.

Ngunit nang makita siya nito, bahagyang lumambot ang mga mata nito.

“Finally.”

Napangiti si Celine.

“Sorry. Natagalan ako.”

Lumapit si Drake at inayos ang isang hibla ng buhok na nakaharang sa mukha niya.

“You look beautiful.”

“Galing sa’yo?”

“Always.”

Napailing siya sa komento nito pero deep inside kinilig talaga siya.

“Bolero."

Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang kanyang mga daliri.

“Dinner?”

“Akala ko may meeting ka.”

“I canceled it.”

“Bakit?”

“Because tonight is yours.”

Napangiti siya nang malapad.

Tatlong taon na silang kasal, pero may mga pagkakataong pakiramdam ni Celine ay honeymoon pa rin nila.

“Drake…”

“What?”

“Thank you.”

Kumunot ang noo nito.

“For what?”

“For choosing me.”

Sandaling natahimik si Drake.

Pagkatapos ay ngumiti ito.

“I’d choose you again.”

Parang sapat na ang apat na salitang iyon para mawala ang lahat ng pagod niya.

Dahil minsan, iyon lang naman ang gusto niyang marinig.

Na tama ang desisyon niyang iwan ang fashion world.

Na tama ang pagpili niyang maging asawa ni Drake.

Na tama ang pagsuko niya sa mga runway, magazine covers, fashion shows, at pangarap na minsan niyang inakala ay magiging buong buhay niya.

Dahil ngayon, may asawa siyang nagmamahal sa kanya.

At may tahanang tinatawag niyang kanya.

⸻

Pagdating nila sa restaurant, napansin agad ni Celine ang ilang matang nakatingin sa kanila.

Normal na iyon.

Drake Monreal was impossible to ignore.

Bilyonaryo.

Powerful.

And, according to every woman who knew him, painfully handsome.

“Lucky woman,” bulong ng isang babae sa kabilang mesa.

Napangiti si Celine.

Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ng asawa.

“Selos?” tukso ni Drake.

“Never.”

“Liar.”

Tumawa siya.

Sa gabing iyon, nag-usap sila tungkol sa maliliit na bagay—bakasyon, bahay, at kung anong gusto nilang gawin sa anniversary nila.

Para kay Celine, ordinaryong gabi lamang iyon.

Isang tahimik na gabi kasama ang lalaking pinili niya kaysa sa lahat.

Hanggang sa may lumapit na babae sa kanilang mesa.

“Drake?”

Napatingin silang dalawa.

Isang elegante at magandang babae ang nakatayo roon.

Bahagyang nanigas ang katawan ni Drake.

Napansin iyon ni Celine, ngunit hindi niya pinansin.

Ngumiti siya.

“Hi.”

Tumingin ang babae sa kanya.

Pagkatapos ay kay Drake.

At ngumiti rin.

“Elise.”

“Celine,” pagpapakilala niya.

“I know.”

Dalawang salitang walang kakaiba.

Pero bago umalis si Elise, bahagya itong yumuko kay Drake at bumulong—

“Can we talk later?”

Tumango si Drake.

Hindi iyon nakita ni Celine.

Dahil abala siya sa pagtingin sa menu.

At nang bumalik ang tingin niya sa asawa, nakangiti pa rin ito.

Parang walang nangyari.

Parang walang nagbago.

Kaya hindi niya alam na sa gabing iyon, habang hawak niya ang kamay ng lalaking mahal niya, may ibang babaeng tahimik nang naghihintay sa pagkakataong kunin iyon.

At higit sa lahat—

hindi alam ni Celine na ang babaeng iyon ang magtatanim ng duda sa puso ng kanyang asawa.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviews

Athena Beatrice
Athena Beatrice
Recommended
2026-08-22 10:51:02
1
0
Ilocana
Ilocana
highly recommended story 🫶
2026-08-13 10:12:16
1
0
ArtofPollyanna
ArtofPollyanna
Kung gusto niyo nang matinding drama, basahin niyo na 'to guys ...
2026-08-12 14:10:21
1
0
27 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status