Hindi pala sapat ang isang matagumpay na pagbabalik para gumaling ang isang pusong iniwan.Ilang oras matapos ang fashion show, nakaupo si Celine sa gilid ng kama sa tahimik niyang apartment.Sa labas, abala ang lungsod. May mga sasakyang dumaraan, may mga ilaw mula sa mga gusali, may mga taong marahil ay nagdiriwang ng kanilang sariling mga tagumpay.Samantala, siya ay nakatitig lamang sa cellphone niya.Sunod-sunod ang notifications.Celine Monreal makes a stunning comeback.The designer is back.Three years later, Celine proves she never lost her touch."No, not Mrs. Monreal. Just Celine!" gusto niyang ikomento ngunit pinigilan nya ang sarili.May mga congratulations.May mga interview requests.May mga imbitasyon.Dapat masaya siya.At oo, masaya siya.Pero sa pagitan ng mga mensahe, may isang bagay na hindi niya maalis sa isip niya.Drake.Kahit wala ito roon, parang naroon pa rin ang anino nito.Nasa bawat tagumpay niya.Sa bawat sandaling gusto niyang ipagmalaki ang sarili niya
Dernière mise à jour : 2026-08-18 Read More