JANELLE "Shaina, sigurado akong makikita mo ang potensyal ng project na ito. Sayang naman kung palalampasin mo ang pagkakataong muli tayong magkatrabaho," wika ni Steven.Tumawa si Shaina at sumandal napahawak pa sa balikat ni Steven. "Depende, Steven. Depende kung gaano ka kapursigido."Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay. Nakatayo lang ako sa gilid at pinapanood ko kung paano kausapin ni Steven si Shaina na para bang sayang-saya siya.Alam ko namang trabaho lang ito, ngunit ang kirot lang sa heart at hindi ko ‘yon maikakaila.Bawat tawa ni Shaina, bawat haplos nito sa suit ni Steven, ay parang kinukurot ang puso ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong hatakin si Steven palayo, ngunit kailangan kong maging propesyonal kaya hanggang gusto nalang ang nasa isip ko.Napalingon sa akin si Steven at nagkunwari akong sa ibang direksyon nakatingin. Paglingon ko ulit dahil akala ko baka hindi na siya nakatingin, sumulyap siya sa akin, at sa isang iglap, nakita ko ang isang nakakaloko
Last Updated : 2026-09-09 Read more