JANELLE Hindi na ako pumasok at ilang araw rin akong nagkulong lang sa kuwarto at kahit ang tiya ko ay walang nagawa. Ngunit may isang desisyon akong ginawa.Hinaplos ko ang tiyan ko impis kong puson. "Hello, baby..." Mahina akong tumawa habang umiiyak. "Mommy's here. Kung ayaw sa’yo ng papa mo nandito ako, gagawin ko ang lahat para sa’yo.” Napapikit ako at pinunasan ko ang luha ko na muli na namang babagsak, dapat ko ng itigil ang pag-iyak sa walang kuwentang lalaki na ‘yon.Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sila nanay, naroon ang kaba dahil alam kong mabibigla sila.“Janelle, napatawag ka gabi na?”Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni nanay kahit paano ay gumaan ang dibdib ko, kung narito lang siya sa tabi ko malamang yumakap na ako sa kanya.“May problema ka ba anak?”Natigilan ako dahil sa tono ng boses ni nanay, ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya.“Ayos lang ako pero…” putol ko sa sasabihin ko at huminnga muna ako ng malalim.“Bakit anak?” Muling tanong niya.“Nay
Last Updated : 2026-08-12 Read more