“Avery Araneta, will you marry me again?”Napatitig si Avery sa nakaluhod na asawa. Sa likuran nito, patuloy na nagliliwanag ang kalangitan dahil sa fireworks.Hindi niya inakalang muli niyang maririnig ang tanong na iyon mula kay Nick, lalo na matapos ang lahat ng pinagdaanan nila.“Mommy?” tawag ni Nikolai. “Bakit ka po umiiyak?”Hinaplos niya ang pisngi at saka lamang napansing may luha na pala siya.“Happy tears lang, anak.”Muling tumingin si Avery sa asawa.“Yes, Nick. I will marry you again.”Lumiwanag ang mukha nito.“Thank you, love.”Tumayo si Nick, kinuha ang singsing mula sa kahon, at isinuot iyon sa daliri ni Avery.“Daddy, may wedding po ulit?” tanong ni Nikolai.“Oo, anak. Kung gusto ni Mommy.”“Gusto ko po!” sigaw ni Nathalia. “Princess dress!”Natawa si Avery.“Sige, baby. Maganda ang dress mo.”“Daddy, ako rin!” sabi ni Nikolai.“Anong gusto mong isuot?”“Suit! Katulad ng sa iyo!”“Deal.”Lumapit si Nick at hinalikan siya sa labi.Nagpalakpakan ang magkapatid.Napaili
Last Updated : 2026-10-17 Read more