Hindi ko alam kung bakit parang mas tahimik ang Blackwood mansion pagkatapos kong malaman ang tungkol kay Adrian Romero.Pareho pa rin naman ang itsura ng bahay.Pareho pa rin ang malalaking bintana na nagpapapasok ng golden sunlight tuwing umaga. Pareho pa rin ang mahahabang hallway, mga lumang paintings, at mga furniture na parang hindi kailanman ginagalaw.Pero para sa akin, may nagbago.Ngayon, alam ko nang may mga sikreto sa loob ng bahay na iyon.At mas nakakatakot dahil pakiramdam ko, hindi lang ako ang taong may alam.May isang taong nakatingin.May isang taong naghihintay.At higit sa lahat, may isang taong ayaw akong tumigil sa paghahanap ng katotohanan.Pagmulat ko pa lang ng mata ko nang umagang iyon, iyon na agad ang laman ng isip ko.Who was the girl with him that night?Iyon ang tanong na iniwan sa akin ng anonymous texter. At kahit ilang beses kong sinubukang i-ignore, mas lalo lang itong lumalakas sa isip ko.Bumangon ako at matagal na nakatitig sa phone ko bago ko tu
Last Updated : 2026-08-13 Read more