Siya si April Del Rosario—simple, mabait, mahiyain, at higit sa lahat, magalang. Kaya naman sa barangay na tinitirhan niya ay halos lahat ay lubos ang pagkagusto sa kanya.Lalo na ang mga matatanda.Likas kasi siyang matulungin. Kapag may matanda na nahihirapang magbuhat ng pinamili, siya ang unang lalapit. Kapag may kapitbahay na nangangailangan ng tulong, hangga’t kaya niya, hindi niya iyon tatanggihan.Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit kahit saan siya magpunta, lagi siyang may bumabati.“April, apo! Halika, may binili akong malunggay pandesal.”Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa direksyon ng boses.Si Aling Nena iyon, nakatayo sa harap ng maliit niyang bahay habang hawak ang isang supot ng pandesal.Napangiti ako nang mahina bago lumapit sa kanya.“Para po sa akin, Tita Nena?” tanong ko, bahagyang nakangiti.“Oo naman! Sino pa ba?” natatawang sagot niya. “Alam kong paborito mo ’to.”Napakamot ako sa batok at bahagyang nahiya. Hindi ko talaga alam kung pa
Terakhir Diperbarui : 2026-08-10 Baca selengkapnya