Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-08-10 21:32:37

Mas maaga akong pumasok kinabukasan.

Actually, sobra.

Thirty minutes before my supposed time, nasa tapat na ako ng Veradis Corporation, hawak ang strap ng bag ko habang paulit-ulit na humihinga nang malalim.

Hindi ko alam kung kaba ba ’to o takot.

Siguro pareho.

First day ko bilang secretary ni Lucien Veradis.

Kagabi pa lang, ilang beses ko nang ini-imagine kung ano ang puwedeng mangyari.

Baka pagalitan ako.

Baka may magawa akong mali.

Baka bigla niya akong tanggalin.

Pero bago ako natulog kagabi, tinawagan ko muna sina Mama at Papa.

Hindi ko puwedeng simulan ang bagong trabaho ko nang hindi man lang sinasabihan ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito.

“Hello, Ma?”

“April? Anak, bakit? Gabi na.”

Napangiti ako nang marinig ang boses niya.

“May sasabihin po ako.”

“Ano ’yon?”

Huminga muna ako nang malalim.

“Natanggap po ako sa trabaho.”

Saglit na natahimik sa kabilang linya.

“Totoo ba?”

“Opo.”

“Anak!”

Narinig ko ang boses ni Papa sa background.

“Anong sabi niya?”

“Nakapagtrabaho na raw si April!”

Napatawa ako nang mahina.

“Saang trabaho, anak?” tanong ni Papa.

“Sa Veradis Corporation po.”

Mas lalo silang natahimik.

“’Yung malaking kumpanya sa Manila?” tanong ni Mama.

“Opo.”

“Sigurado ka?”

“Opo. Bukas na po ang first day ko.”

Narinig ko ang mahinang buntong-hininga ni Mama.

“Mag-ingat ka, anak. Huwag mong pababayaan ang sarili mo.”

“Opo.”

“At huwag kang mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan mo.”

Napangiti ako.

“Opo, Ma.”

“Proud kami sa’yo.”

Biglang kumirot ang dibdib ko.

“Salamat po.”

Matagal akong nakipag-usap sa kanila nang gabing iyon.

Hindi ko sinabi kung gaano ako kinakabahan.

Hindi ko sinabi na ilang beses kong inisip kung baka hindi ko kayanin.

Gusto kong marinig nila ang confidence sa boses ko.

Gusto kong maniwala sila na magiging okay ako.

At higit sa lahat, gusto kong maniwala rin ako.

Kaya bago kami nag-goodnight, sinabi ko sa kanila ang isang bagay na buong puso kong pinanghawakan.

“Pangako po, gagawin ko ang lahat para hindi masayang ’yung opportunity na ’to.”

At iyon ang dahilan kung bakit ngayon, kahit nanginginig ang mga kamay ko habang nakaupo sa desk ko—

hindi ako puwedeng sumuko.

Huminga ako nang malalim.

“April, trabaho lang ’to,” bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos ay napatingin ako sa glass door ng opisina ni Lucien.

Nandoon na siya.

At doon ko naalala ang huling sinabi sa akin ni Papa kagabi.

“Kaya mo ’yan, anak. Huwag kang matakot.”

Napangiti ako nang bahagya.

“Okay.”

Inayos ko ang buhok ko, umayos ng upo, at binuksan ang unang folder.

Kailangan kong kayanin.

Para sa sarili ko.

At para sa kanila.

Pagdating ko sa floor niya, halos wala pang tao. Tahimik ang hallway at malamig ang air-conditioning. Habang naglalakad ako papunta sa desk ko, ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko.

Pagkaupo ko, inayos ko muna ang buhok ko at saka inilabas ang notebook.

Nasa harap ko na ang schedule ni Lucien. Oras at lugar kung saan ang Meetings.Calls. Documents. Appointments.

Napakunot ang noo ko.Ang dami naman.

Paano niya nagagawa lahat ng ito sa isang araw? Grabi..

Napabuntong-hininga ako bago nagsimulang ayusin ang mga dokumento.

Maya-maya, narinig ko ang pagbukas ng p***o.

Napatingin ako.

At doon siya lumabas.

Si Lucien.

Agad akong tumayo.

“Good morning po, Sir.”

Napatingin siya sa akin.

His eyes briefly traveled to the clock before returning to me.

“You’re early.”

“Opo.” Medyo nauutal akong sumagot dahil hindi ko alam kung compliment ba iyon o warning.

“Good.” Iyon lang. Sobrang tipid.

Pero kahit isang salita lang ang sinabi niya, parang gumaan nang kaunti ang dibdib ko.

At least hindi niya ako pinagalitan.

Kinuha niya ang isang folder mula sa kamay niya at inilapag iyon sa desk ko.

“Review my schedule before eight.”

“Opo.”

“Confirm my ten o’clock meeting.”

Agad kong isinulat iyon.

“Opo.”

“Prepare these documents before noon.”

Tumango ako habang mabilis na nagsusulat.

“And April?”

Napahinto ang ballpen ko.

“Yes, Sir?”

Tinitigan niya ako nang diretso.

“I don’t like being reminded twice about the same thing.” Napahigpit ang hawak ko sa ballpen.

“Yes, Sir. I understand.” Tumango siya at pumasok na sa opisina.

Nang magsara ang p***o, saka lang ako nakahinga nang maayos. Napahawak ako sa dibdib ko.

Grabe. Parang interview ulit. Nakakatakot talaga siya. Ang lamig at puno ng bigat ang mga salita niya.

Napatingin ako sa pintong pinasukan niya. Hindi naman siya sumigaw. Hindi rin siya nagsalita nang masama. Pero bakit parang bawat salita niya may bigat?

O kaya ganun lang talaga siya?

Napailing ako at bumalik sa ginagawa ko.

“Okay,” bulong ko. “Focus, April.”

Tiningnan ko ang notebook ko at nagsimulang isa-isahin ang mga instructions niya.

Hindi ako puwedeng magkamali.Hindi ngayon.Hindi sa unang araw ko.

Dahil alam kong isang pagkakamali lang, puwedeng mawala sa akin ang pagkakataong pinaghirapan kong makuha.

At ayokong bumalik sa punto na kailangan kong maglakad buong araw sa ilalim ng araw para lang maghanap ng trabaho.

Kaya kahit nanginginig pa nang kaunti ang kamay ko— nagpatuloy ako.

Hindi ko pa alam kung magiging madali ba ang trabaho ko sa ilalim ni Lucien Veradis.

Pero isang bagay ang sigurado ko.

Hindi ako susuko. Para kina nanay at tatay.

Lumipas ang ilang oras na halos hindi ko namalayan.

Simula nang matapos ang meeting ni Lucien, sunod-sunod na naman ang trabaho. May mga documents na kailangang ayusin, emails na kailangang i-check, at schedules na kailangan kong i-confirm.

At dahil ayokong maulit ang pagkakamali ko kanina, halos tatlong beses kong chine-check ang bawat ginagawa ko.

Unfortunately, may isang bagay akong nakalimutan.

Kumain.

Bandang alas-dose na ng tanghali, saka ko lang naramdaman ang matinding pagkalam ng sikmura ko.

Grrr.

Napahinto ako sa pagta-type.

Napahawak ako sa tiyan ko at napapikit.

“Gutóm na ako…”

Napatingin ako sa oras.

12:17 PM.

Napabuntong-hininga ako.

Kahit gusto kong bumili ng pagkain, hindi ko kayang iwan ang desk ko nang matagal. Hindi ko rin alam kung biglang may ipapagawa si Lucien.

Kaya pinagtiisan ko na lang. Mamaya na lang.

Ilang minuto pa ang lumipas nang may lumapit sa desk ko. “April?”

Napatingala ako.

Isang employee ang nakatayo roon, may dalang paper bag at isang malaking takeout container.

“This is for you.”

Napakunot ang noo ko.

“Para sa akin?”

Tumango siya at inilapag iyon sa desk ko.

“Yeah.”

Tinitigan ko ang pagkain.

May kanin, ulam, soup, at pati dessert.

Napakurap ako.

“Kanino galing?”

Umiling siya.

“Hindi ko alam.”

“Ha?”

“Pinabigay lang sa’kin.”

“Pero sino po ang nagpadala?”

“Galing upstairs.”

Napatingin ako sa direksyon ng opisina ni Lucien.

Upstairs?

Sandali akong natigilan.

“Sigurado ka?”

“That’s what they told me.”

Pagkaalis niya, ilang segundo akong nakatitig sa pagkain.

Hindi ko alam kung kakain ba ako o hindi.

Baka para sa ibang employee.

Baka nagkamali lang.

Baka—

Napasinghot ako nang mahina nang muling kumalam ang tiyan ko.

Grrr.

“Okay. Bahala na.” Gutom na talaga ako e.

Binuksan ko ang container at halos manlaway ako ng maamoy iyon.

Mabango.

Sobrang bango. Na mas lalong nagpatindi ng gutom ko.

Hindi na ako nag-isip nang matagal.

Kumain ako. At sa unang subo pa lang, napapikit ako sa sarap.

“Grabe…” I moaned unintentionally because of its good taste.

Hindi ko namalayan na unti-unti nang nauubos ang pagkain.

Hindi ko rin napansin ang isang pares ng matang nakamasid mula sa loob ng glass office.

Nasa likod ng desk niya si Lucien, hawak ang isang dokumento habang paminsan-minsang napapatingin sa labas.

Hindi siya nagsasalita.Hindi rin nagbabago ang ekspresyon niya.

Nang makitang kumakain na si April, ibinalik niya ang tingin sa hawak niyang document.

“Good thing she ate it.” Mahinang usal niya.

Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa trabaho na para bang walang nangyari.

Samantalang sa labas, matapos maubos ang halos lahat ng pagkain, napatingin ako sa paper bag.

Walang pangalan. Walang note. Wala ring clue kung kanino galing. Napakamot ako sa ulo.

“Baka para sa ibang secretary.”

Napangiti ako nang bahagya.

“Pero… salamat na rin.”

At muli akong bumalik sa trabaho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 6

    Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Sa totoo lang, ilang beses kong pinilit ipikit ang mga mata ko, pero sa tuwing mapapapikit ako, bumabalik na naman sa isip ko ang nangyari sa elevator.Iyong pag-uga.Iyong pagkakahawak ni Sir Lucien sa baywang ko. Iyong mukha niya na sobrang lapit sa akin.At higit sa lahat—Iyong labi namin na aksidenteng nagtagpo.Napapikit ako habang naglalakad papasok sa office.“Shit…” Mahina akong napamura. Hindi kasi talaga maalis sa isip ko e! Nakakahiya ka april! Boss mo yun!Parang zombie akong naglalakad papunta sa magiging desk ko bilang secretary.Halos hindi ko na napapansin ang mga taong nakakasalubong ko. Tulala lang ako habang hawak ang strap ng bag ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit nga iyong mga nakakamatay na tingin ng mga dati kung kasama ay hindi ko na binigyan ng pansin.Bakit ko ba kasi kailangang maalala nang paulit-ulit?Aksidente lang iyon.AKSIDENTE. Gets? April? Hindi dapat natin iyon problemahin pa.Wala nang iba.Pero kung

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 5

    Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang oras.Nang tingnan ko ang maliit na orasan sa gilid ng desk ko, halos mapatalon ako sa gulat.8:43 PM.“Ha?”Napakurap ako at muling tiningnan ang oras.Eight forty-three?!Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Kanina, maingay pa ang floor dahil sa mga taong nagmamadaling tapusin ang trabaho bago umuwi. Ngayon, kakaunti na lang ang ilaw na bukas, at halos wala nang marinig kundi ang mahinang tunog ng air-conditioning at pagta-type ko sa keyboard.Napatingin ako sa glass office ni Lucien. Nandoon pa rin siya.Nakaupo sa likod ng desk niya, abala sa pagbabasa ng ilang documents.Hindi pa rin siya umuuwi?Napabuntong-hininga ako at bumalik sa ginagawa ko. May ilang reports pa akong kailangang ayusin bago ko tuluyang maiwan ang desk ko.Ayokong umuwi nang may hindi natatapos. Lalo na’t ilang araw pa lang ako rito.Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa posisyong ibinigay sa akin.Na kahit hindi ako college graduate, kaya kong maki

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 4

    Mas maaga akong pumasok kinabukasan.Actually, sobra.Thirty minutes before my supposed time, nasa tapat na ako ng Veradis Corporation, hawak ang strap ng bag ko habang paulit-ulit na humihinga nang malalim.Hindi ko alam kung kaba ba ’to o takot.Siguro pareho.First day ko bilang secretary ni Lucien Veradis.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang ini-imagine kung ano ang puwedeng mangyari.Baka pagalitan ako.Baka may magawa akong mali.Baka bigla niya akong tanggalin.Pero bago ako natulog kagabi, tinawagan ko muna sina Mama at Papa.Hindi ko puwedeng simulan ang bagong trabaho ko nang hindi man lang sinasabihan ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito.“Hello, Ma?”“April? Anak, bakit? Gabi na.”Napangiti ako nang marinig ang boses niya.“May sasabihin po ako.”“Ano ’yon?”Huminga muna ako nang malalim.“Natanggap po ako sa trabaho.”Saglit na natahimik sa kabilang linya.“Totoo ba?”“Opo.”“Anak!”Narinig ko ang boses ni Papa sa background.“Anong sabi niya?”“Nakapagtrabaho na

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 3

    Kinabukasan, maaga akong nagising.Hindi dahil sanay akong gumising nang maaga, kundi dahil halos buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos.Paulit-ulit kong tinitingnan ang maliit na papel na ibinigay sa akin ng ale sa karinderya.Veradis Corporation.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may pagkakataon akong makapasok sa ganoong kalaking kumpanya.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na huwag akong umasa nang sobra.April, trabaho lang ’to.Pumunta ka roon, subukan mo.Kapag hindi natanggap, humanap ulit.Pero ngayon na nandito na ako sa harap ng gusali, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa sarili ko.Napatingala ako.Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang napakataas na gusali sa harapan ko.Hindi ko alam kung ilang palapag iyon.Ang alam ko lang, pakiramdam ko kailangan kong ipihit nang todo ang leeg ko para makita ang pinakatuktok.Ang buong building ay gawa sa salamin at makintab na bakal. Malinis ang paligid, tahimik, at parang

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 2

    Naalala ko pa, tirik na tirik ang araw noon.Halos parang sinusunog ng araw ang balat ko habang naglalakad ako sa kalsada. Pawis na pawis na ako at pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang lalamunan ko sa kakalakad.Pero mas nangingibabaw ang gutom.Sobrang gutom ko na.Ilang oras na rin akong nag-iikot para maghanap ng trabaho, pero puro rejection lang ang inabot ko.Hindi qualified.College graduate ang hanap.May experience ka ba?Paulit-ulit na lang.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang laman ng pitaka ko.Wala.Ni isang piso, wala.Ang tanging dala ko lang ay isang bote ng tubig at isang pirasong tinapay na kanina ko pa unti-unting kinakain.Hindi ko puwedeng ubusin agad.Kailangan kong pagkasyahin iyon hanggang makauwi ako.Kaya bawat kagat, maliit lang.Nguyain nang mabuti.At kapag may natitira pa, ibabalik ko muna sa maliit na plastic na pinaglagyan nito.Nakakahiya mang aminin, pero umabot ako sa puntong kailangan kong pag-isipan kung kakain ba ako o iinumin ko na lang ang

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 1

    Siya si April Del Rosario—simple, mabait, mahiyain, at higit sa lahat, magalang. Kaya naman sa barangay na tinitirhan niya ay halos lahat ay lubos ang pagkagusto sa kanya.Lalo na ang mga matatanda.Likas kasi siyang matulungin. Kapag may matanda na nahihirapang magbuhat ng pinamili, siya ang unang lalapit. Kapag may kapitbahay na nangangailangan ng tulong, hangga’t kaya niya, hindi niya iyon tatanggihan.Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit kahit saan siya magpunta, lagi siyang may bumabati.“April, apo! Halika, may binili akong malunggay pandesal.”Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa direksyon ng boses.Si Aling Nena iyon, nakatayo sa harap ng maliit niyang bahay habang hawak ang isang supot ng pandesal.Napangiti ako nang mahina bago lumapit sa kanya.“Para po sa akin, Tita Nena?” tanong ko, bahagyang nakangiti.“Oo naman! Sino pa ba?” natatawang sagot niya. “Alam kong paborito mo ’to.”Napakamot ako sa batok at bahagyang nahiya. Hindi ko talaga alam kung pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status