เข้าสู่ระบบApril Del Rosario is a new secretary at Veradis Corporation—the strictest and most powerful company in the country, led by a man known to have no emotions: Lucien Veradis. Cold. Perfect. Untouchable. Everyone says the same thing: never make a mistake in front of him. But one night of overtime, inside an elevator… everything changed. April lost her balance. Lucien caught her instinctively. And in one accidental moment— their lips met. It was brief. Just a second. It was supposed to mean nothing. But for Lucien Veradis… it was never just an accident. Because from that day on, he could no longer look at April the same way. And April kept repeating to herself: It was just a mistake. But why does it feel like… she is no longer safe around her boss, who suddenly stopped avoiding her?
ดูเพิ่มเติมSiya si April Del Rosario—simple, mabait, mahiyain, at higit sa lahat, magalang. Kaya naman sa barangay na tinitirhan niya ay halos lahat ay lubos ang pagkagusto sa kanya.
Lalo na ang mga matatanda. Likas kasi siyang matulungin. Kapag may matanda na nahihirapang magbuhat ng pinamili, siya ang unang lalapit. Kapag may kapitbahay na nangangailangan ng tulong, hangga’t kaya niya, hindi niya iyon tatanggihan. Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit kahit saan siya magpunta, lagi siyang may bumabati. “April, apo! Halika, may binili akong malunggay pandesal.” Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa direksyon ng boses. Si Aling Nena iyon, nakatayo sa harap ng maliit niyang bahay habang hawak ang isang supot ng pandesal. Napangiti ako nang mahina bago lumapit sa kanya. “Para po sa akin, Tita Nena?” tanong ko, bahagyang nakangiti. “Oo naman! Sino pa ba?” natatawang sagot niya. “Alam kong paborito mo ’to.” Napakamot ako sa batok at bahagyang nahiya. Hindi ko talaga alam kung paano tatanggihan ang mga ganitong kabaitan. “Salamat po. Pero hindi na po sana kayo nag-abala.” “Aba, bakit? Bawal na ba kitang bigyan?” kunwaring nakasimangot niyang tanong. Agad akong umiling. “Hindi po. Nagpapasalamat lang po ako.” “E di kunin mo na.” Iniabot niya sa akin ang supot kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon gamit ang dalawang kamay. “Salamat po talaga, Tita Nena.” Ngumiti ako nang mas maluwag. “Kayo po talaga, lagi ninyo akong binibigyan.” “Eh kasi naman, apo ka na namin dito.” Napayuko ako nang bahagya dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mas nakakapagpakilig—yung libreng pandesal o iyong pakiramdam na kahit hindi ko kadugo ang mga taong nakapaligid sa akin, tinatrato nila ako na parang pamilya. “Mag-ingat ka sa pag-uwi, ha?” dagdag pa niya. “Opo. Kayo rin po. Huwag po kayong masyadong magpupuyat.” “O siya, sige na. Baka lumamig ang pandesal mo.” Napatawa ako nang mahina. “Opo. Salamat ulit, Tita Nena.” Tumango ako bago nagpatuloy sa paglalakad, mahigpit na hawak ang supot ng pandesal. Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad. Simple lang ang buhay ko. Pero sa barangay na ito, pakiramdam ko, hindi ako kailanman nag-iisa. Kung may mga taong nasisiyahan sa presensya ko, meron din namang mga taong hindi. Hindi naman mawawala ang mga taong inggitera. Ang nakakatawa pa, mas angat na nga ang buhay nila kaysa sa akin. Mas maganda ang bahay, mas maraming pera, mas maayos ang damit, at kung tutuusin, mas marami silang bagay na hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon. Pero ewan ko ba. Parang may mga taong kahit nasa kanila na ang lahat, hindi pa rin makuntento hangga’t wala silang nakikitang taong mas mababa sa kanila. “Feeling close naman si April.” “Ang bait-baitan. Akala mo naman kung sino.” “Papansin. Konting tulong lang, gusto na agad maging favorite ng mga matatanda.” Minsan, naririnig ko sila. Minsan naman, sinasadya talaga nilang lakasan ang boses para marinig ko. Pero hindi ako pumapatol. Ano bang mapapala ko sa pakikipag-away sa mga taong ang hobby yata ay pag-usapan ang buhay ng iba? May mga pagkakataon lang talaga na gusto kong itanong— ‘Kung napakaganda naman ng buhay ninyo, bakit buhay ko pa rin ang pinagkakaabalahan ninyo?’ Pero nilulunok ko na lang. Hindi dahil natatakot ako. Ayoko lang bumaba sa level nila. Kaya kapag may maririnig akong, “S****p,” “epal,” o kaya naman ay “feeling mabait,” ngumiti na lang ako at magpapatuloy sa paglalakad. Bahala sila. Hindi ko naman kailangang patunayan sa kanila kung sino ako. Alam ko kung sino ako. At higit sa lahat, alam ko kung gaano kahirap ang buhay ko. Kaya kung gusto nilang tawagin akong mahirap, simple, o walang kwenta— Go. Hindi naman nababawasan ang pagkatao ko dahil lang sa pang-iinsulto nila. Pero aminado ako… May mga araw na nakakapikon din. Lalo na kapag pati pamilya ko ay dinadamay na nila. Doon ako nahihirapang manahimik. Pero wag lang talaga dahil baka magulat sila kapag bibig kona ang bumuka. Maaga akong nagbukod sa mga magulang ko para maghanap ng trabaho. Hindi dahil gusto kong malayo sa kanila. Kung tutuusin, isa iyon sa pinakamahirap na desisyong kinailangan kong gawin sa buhay ko. Pero habang lumalaki ako, mas lalo kong nakikita kung gaano kahirap ang buhay namin sa probinsya. Sakto lang ang kinikita ng mga magulang ko para sa pang-araw-araw na pangangailangan namin. May mga araw na sapat ang pagkain namin, pero mayroon ding mga araw na kailangan naming magtipid nang husto para lang maitawid ang susunod na araw. Kaya nang dumating ang pagkakataong makapaghanap ako ng trabaho, hindi na ako nagdalawang-isip. Napilitan akong iwan ang pamilya ko at makipagsapalaran dito sa Maynila. Wala akong kakilala. Wala rin akong kasiguraduhan kung magiging maayos ba ang buhay ko rito. Ang tanging dala ko lang noon ay isang maliit na maleta, ilang damit, kaunting pera, at isang pangarap na kahit papaano ay makatulong sa mga magulang ko. Hindi madali ang unang mga buwan. Sanay ako sa tahimik na probinsya, sa simpleng pamumuhay, at sa mga taong kilala ko. Pagdating ko sa Maynila, parang bigla akong itinapon sa isang mundong hindi ko alam kung paano haharapin. Ang daming tao. Ang daming ingay. At higit sa lahat, ang daming pagsubok. Pero wala akong karapatang sumuko. Dahil sa tuwing naiisip kong baka may pagkain na sa hapag dahil sa perang ipinapadala ko sa kanila, parang nawawala kahit kaunti ang pagod ko. Hindi man ako mayaman. Hindi rin marangya ang buhay ko. Pero hangga’t kaya ko, gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay gumaan ang buhay ng mga taong pinakamamahal ko. Kaya heto ako ngayon—isang probinsyanang babae na sinusubukang mabuhay sa napakalaking lungsod. Nangangarap. Nagtitiis. At araw-araw na nakikipagsapalaran. Sinubukan kong mag-apply sa ilang trabaho, pero halos pare-pareho lang ang sagot na natatanggap ko. Hindi raw ako qualified. Hindi raw kasi ako nakatapos ng kolehiyo. Mapait akong natawa habang hawak ang mga papel na dala ko. Grabe. Sobrang taas naman ng standard nila. Akala mo naman kailangan kong magpatakbo ng buong kumpanya para lang makakuha ng trabaho. College graduate ang hanap. May experience. May magandang credentials. May kung anu-anong qualifications na, sa totoo lang, hindi ko naman kayang ibigay. Hindi dahil tamad ako. Hindi dahil wala akong gustong marating. Hindi lang talaga ako nabigyan ng pagkakataong tapusin ang pag-aaral ko. Kaya kahit ilang beses akong mareject, wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ngumiti, magpasalamat, at lumabas ng building na parang hindi ako kakabagsak lang sa isang napakalaking interview. “Okay lang, April,” bulong ko sa sarili ko habang naglalakad. “Hindi naman ikaw ang unang taong hindi natanggap.” Napabuntong-hininga ako. Pero kahit gaano ko piliting maging positive, hindi ko rin maiwasang mapaisip. Paano kung hindi talaga ako makahanap ng trabaho? Hindi ako puwedeng umuwi nang walang dala. May pamilya akong umaasa sa akin. Kaya kahit ilang beses pa akong sabihan na hindi ako qualified, susubukan ko pa rin. Dahil minsan, kapag wala kang diploma, connections, o pera… Ang tanging puhunan mo na lang talaga ay ang tapang mong subukan ulit kahit ilang beses ka nang nabigo.Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Sa totoo lang, ilang beses kong pinilit ipikit ang mga mata ko, pero sa tuwing mapapapikit ako, bumabalik na naman sa isip ko ang nangyari sa elevator.Iyong pag-uga.Iyong pagkakahawak ni Sir Lucien sa baywang ko. Iyong mukha niya na sobrang lapit sa akin.At higit sa lahat—Iyong labi namin na aksidenteng nagtagpo.Napapikit ako habang naglalakad papasok sa office.“Shit…” Mahina akong napamura. Hindi kasi talaga maalis sa isip ko e! Nakakahiya ka april! Boss mo yun!Parang zombie akong naglalakad papunta sa magiging desk ko bilang secretary.Halos hindi ko na napapansin ang mga taong nakakasalubong ko. Tulala lang ako habang hawak ang strap ng bag ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit nga iyong mga nakakamatay na tingin ng mga dati kung kasama ay hindi ko na binigyan ng pansin.Bakit ko ba kasi kailangang maalala nang paulit-ulit?Aksidente lang iyon.AKSIDENTE. Gets? April? Hindi dapat natin iyon problemahin pa.Wala nang iba.Pero kung
Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang oras.Nang tingnan ko ang maliit na orasan sa gilid ng desk ko, halos mapatalon ako sa gulat.8:43 PM.“Ha?”Napakurap ako at muling tiningnan ang oras.Eight forty-three?!Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Kanina, maingay pa ang floor dahil sa mga taong nagmamadaling tapusin ang trabaho bago umuwi. Ngayon, kakaunti na lang ang ilaw na bukas, at halos wala nang marinig kundi ang mahinang tunog ng air-conditioning at pagta-type ko sa keyboard.Napatingin ako sa glass office ni Lucien. Nandoon pa rin siya.Nakaupo sa likod ng desk niya, abala sa pagbabasa ng ilang documents.Hindi pa rin siya umuuwi?Napabuntong-hininga ako at bumalik sa ginagawa ko. May ilang reports pa akong kailangang ayusin bago ko tuluyang maiwan ang desk ko.Ayokong umuwi nang may hindi natatapos. Lalo na’t ilang araw pa lang ako rito.Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa posisyong ibinigay sa akin.Na kahit hindi ako college graduate, kaya kong maki
Mas maaga akong pumasok kinabukasan.Actually, sobra.Thirty minutes before my supposed time, nasa tapat na ako ng Veradis Corporation, hawak ang strap ng bag ko habang paulit-ulit na humihinga nang malalim.Hindi ko alam kung kaba ba ’to o takot.Siguro pareho.First day ko bilang secretary ni Lucien Veradis.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang ini-imagine kung ano ang puwedeng mangyari.Baka pagalitan ako.Baka may magawa akong mali.Baka bigla niya akong tanggalin.Pero bago ako natulog kagabi, tinawagan ko muna sina Mama at Papa.Hindi ko puwedeng simulan ang bagong trabaho ko nang hindi man lang sinasabihan ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito.“Hello, Ma?”“April? Anak, bakit? Gabi na.”Napangiti ako nang marinig ang boses niya.“May sasabihin po ako.”“Ano ’yon?”Huminga muna ako nang malalim.“Natanggap po ako sa trabaho.”Saglit na natahimik sa kabilang linya.“Totoo ba?”“Opo.”“Anak!”Narinig ko ang boses ni Papa sa background.“Anong sabi niya?”“Nakapagtrabaho na
Kinabukasan, maaga akong nagising.Hindi dahil sanay akong gumising nang maaga, kundi dahil halos buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos.Paulit-ulit kong tinitingnan ang maliit na papel na ibinigay sa akin ng ale sa karinderya.Veradis Corporation.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may pagkakataon akong makapasok sa ganoong kalaking kumpanya.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na huwag akong umasa nang sobra.April, trabaho lang ’to.Pumunta ka roon, subukan mo.Kapag hindi natanggap, humanap ulit.Pero ngayon na nandito na ako sa harap ng gusali, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa sarili ko.Napatingala ako.Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang napakataas na gusali sa harapan ko.Hindi ko alam kung ilang palapag iyon.Ang alam ko lang, pakiramdam ko kailangan kong ipihit nang todo ang leeg ko para makita ang pinakatuktok.Ang buong building ay gawa sa salamin at makintab na bakal. Malinis ang paligid, tahimik, at parang






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.