LOGINHindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang oras.
Nang tingnan ko ang maliit na orasan sa gilid ng desk ko, halos mapatalon ako sa gulat. 8:43 PM. “Ha?” Napakurap ako at muling tiningnan ang oras. Eight forty-three?! Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na. Kanina, maingay pa ang floor dahil sa mga taong nagmamadaling tapusin ang trabaho bago umuwi. Ngayon, kakaunti na lang ang ilaw na bukas, at halos wala nang marinig kundi ang mahinang tunog ng air-conditioning at pagta-type ko sa keyboard. Napatingin ako sa glass office ni Lucien. Nandoon pa rin siya. Nakaupo sa likod ng desk niya, abala sa pagbabasa ng ilang documents. Hindi pa rin siya umuuwi? Napabuntong-hininga ako at bumalik sa ginagawa ko. May ilang reports pa akong kailangang ayusin bago ko tuluyang maiwan ang desk ko. Ayokong umuwi nang may hindi natatapos. Lalo na’t ilang araw pa lang ako rito. Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa posisyong ibinigay sa akin. Na kahit hindi ako college graduate, kaya kong makipagsabayan. Kaya kahit kumukulo na ang sikmura ko at sumasakit na ang likod ko sa kakaupo, nagpatuloy pa rin ako. Maya-maya, biglang bumukas ang p***o ng opisina ni Lucien. Napatingin ako. Lumabas siya, hawak ang isang folder. “You’re still here.” Napatayo ako nang bahagya. “Yes, Sir.” Tiningnan niya ang oras sa wall clock. “It’s almost nine.” “Opo.” “Why?” Napakagat ako sa labi bago sumagot. “May tinatapos pa po akong report.” Tumingin siya sa monitor ko. “You can finish it tomorrow.” Napailing ako. “Okay lang po. Kaunti na lang naman.” Saglit siyang natahimik. Then he simply said, “Don’t stay late just to prove something.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung concern ba iyon o isa na namang utos. “Yes, Sir.” Tumango siya at bumalik sa opisina. Napangiti ako nang bahagya. Makalipas ang ilang minuto, lalo pang naging tahimik ang buong floor. Isa-isang namatay ang mga ilaw sa ibang bahagi ng opisina habang nagsiuwian na ang natitirang employees. Eventually, kaming dalawa na lang ni Lucien ang naiwan. Ilang beses kong sinulyapan ang glass door ng opisina niya. Nandoon pa rin siya. Tahimik na nagtatrabaho habang paminsan-minsan ay umiinom ng kape. Bumalik ako sa computer ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Pero mahirap mag-focus kapag pakiramdam ko, bawat tunog ng pag-click ng mouse niya ay naririnig ko. Maya-maya, bumukas ang p***o ng opisina niya. “April.” Napalingon ako. “Opo, Sir?” “Did you send the revised contract?” Napatingin ako sa monitor. “Opo. Sinend ko po kanina.” “Check again.” Tumango ako. “Opo.” Mabilis kong binuksan ang email at hinanap ang file. Nandoon nga. “Sent at 8:16 PM po.” Lumapit siya sa desk ko at bahagyang yumuko para makita ang screen. “Good.” Tumango ako. “Thank you po.” Akmang babalik na siya sa opisina niya nang bigla siyang huminto. “You’re doing that again.” Napakunot ang noo ko. “Po?” “Checking the same thing repeatedly.” Napahiya ako. “Sorry po. Ayoko lang po kasing magkamali ulit.” Saglit siyang natahimik. “You already made one mistake today.” Napayuko ako. “Opo.” “You corrected it.” Napatingin ako sa kanya. “So don’t keep punishing yourself for it.” Hindi ko alam kung bakit, pero natigilan ako. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon mula sa kanya. “Yes, Sir,” mahina kong sagot. Tumango siya at bumalik sa opisina. Napangiti ako nang kaunti. May ganun din pala siyang side. Makalipas ang ilang minuto, muling kumalam ang tiyan ko. Napahawak ako rito. Grrr. Napalingon ako sa paligid. Buti na lang tahimik. Akala ko walang nakarinig. Hanggang sa marinig ko ang boses ni Lucien mula sa loob ng opisina. “You haven’t eaten, have you?” Nanlaki ang mata ko. Narinig niya?! “Ah… hindi pa po.” “Why?” “Busy po.” Tumahimik siya. Pagkatapos ay malamig niyang sinabi, “That’s not an excuse.” Napangiti ako nang alanganin. “Yes, Sir.” Hindi ko alam kung bakit, pero sa gabing iyon, unti-unti kong nakalimutang matakot sa kanya. Siguro dahil kahit gaano siya ka-strict— napapansin niya pa rin ang maliliit na bagay tungkol sa akin. At hindi ko alam kung bakit. Finally, natapos ko rin ang huling report. Napahilig ako sa upuan at napabuntong-hininga nang malalim. “Finally…” Tiningnan ko ang oras sa computer. 10:17 PM. Napakurap ako. “Grabe…” Hindi ko namalayang ganoon na pala katagal. Pinatay ko ang monitor at inayos ang mga dokumentong nasa desk ko. Isa-isa kong inilagay ang mga gamit ko sa bag bago ako tumayo. Pagod na pagod na ako. Sumasakit na ang balikat ko, at parang gusto ko na lang humiga sa unang kama na makita ko. Pero kahit ganoon, napangiti ako. At least, natapos ko. Hindi ako umuwi nang may pending na trabaho. Kinuha ko ang bag ko at huling beses na tumingin sa paligid. Tahimik na ang buong floor. Akala ko ako na lang ang tao roon. Hanggang sa bumukas ang p***o ng opisina ni sir Lucien. Napalingon ako. Nakatayo siya roon, hawak ang coat niya sa isang kamay habang inaayos ang relo niya sa kabilang kamay. Nagkatinginan kami. “Finished?” “Opo.” Tumingin siya sa desk ko. “Everything?” “Yes, Sir. Na-check ko na rin po lahat.” Tumango siya. “Good.” Akmang aalis na ako nang bigla siyang lumapit. “Let’s go.” Napakurap ako. “Po?” “I’m leaving.” “Ah…” Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang sabihin iyon sa akin. Pero nang mapagtanto kong pareho pala kaming pupunta sa elevator, mabilis akong sumunod. Tahimik kaming naglakad sa hallway. Hindi ko maiwasang maramdaman ang awkwardness. Kaninang umaga, punong-puno ng tao ang floor. Ngayon, kami na lang. At habang naglalakad kami, naririnig ko ang tunog ng heels ko sa sahig. Napatingin ako sa kanya nang patago. Ang taas niya talaga. Kahit naka-flat shoes ako, halos hanggang balikat niya lang ako. At kahit pagod na siya, hindi pa rin nawawala ang pagiging composed niya. Parang hindi siya napapagod. Samantalang ako, isang overtime lang, parang gusto ko nang maging halaman. Napansin niyang nakatingin ako. Agad akong umiwas. Shit. Pagdating namin sa elevator, pinindot niya ang button. Tahimik kaming naghintay. Bumukas ang elevator at pumasok naman ako agad sumunod naman siya. At nang magsara ang mga pinto— bigla kong napagtanto. Kami lang ni sir Lucien Veradis ang nasa loob ng elevator. Napahawak ako nang mahigpit sa strap ng bag ko. Okay. Relax. Elevator lang ’to. At boss mo lang yan. Hindi ko pa alam na sa loob ng ilang segundo, ang simpleng elevator ride na iyon ang magiging simula ng isang bagay na pareho naming hindi inaasahan. Tahimik kaming dalawa sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin. Sa floor? Sa elevator doors? Sa sarili kong sapatos? Kahit saan, huwag lang sa kanya. Ang awkward naman. Pinilit kong maging busy sa pag-aayos ng strap ng bag ko habang hinihintay naming bumaba ang elevator. Si sir Lucien naman ay tahimik lang sa tabi ko, isang kamay nakalagay sa bulsa ng pantalon niya habang ang isa ay may hawak na cellphone. Walang nagsasalita. Hanggang sa biglang— BANG! Napahinto ang elevator. “Ah!” Napabitaw ako sa hawak kong bag. Umuga nang malakas ang buong elevator, dahilan para mawalan ako ng balanse. “Sir!” Hindi ko na napigilang mapaatras. Pero bago pa man ako tuluyang matumba, mabilis na umabot ang kamay ni Lucien sa baywang ko. His other hand caught my arm. “Careful.” Napahawak ako sa braso niya. “I’m sorry—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Dahil sa biglaang paggalaw ng elevator, napasubsob ako sa kanya. At sa isang iglap— nagtagpo ang mga labi namin. Tumigil ang mundo. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko magawang makagalaw. Hindi rin siya.Isang segundo. Dalawa. Ramdam ko ang lambot at bango ng labi niya. Sapat lang para maramdaman ko ang init ng labi niya bago ako agad napaatras at matauhan. Sa kahihiyang nagawa ko. “Shit!” Napatakip ako sa bibig ko. “I’m sorry!” Namumula ang mukha ko habang nakatingin sa kanya. “I—I didn’t mean to! Hindi ko po sinasadya!” Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Kaya naman kinabahan ako. Baka kasi pagalitan niya ako at sigawan. His expression was unreadable. Pero sa unang pagkakataon mula nang makilala ko siya— parang hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Napahawak ako sa sarili kong labi. Puta. Hinalikan ko ang boss ko. Hindi. Hindi ko siya hinalikan. Aksidenti lang. Paulit-ulit kong pinapaalala iyon sa sarili ko. Accident. Isang aksidente lang. Biglang umandar muli ang elevator. Bumukas ang mga p***o. At bago pa ako tuluyang mamatay sa hiya, mabilis akong lumabas. “Good night, Sir!” Halos tumakbo ako palayo. Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Binilisan ko talaga kahit na nagkanda tisod tisod na ako. Paglabas ni April, nanatiling nakatayo si Lucien sa loob ng elevator. Hindi siya gumalaw. Hindi rin niya agad pinindot ang button para bumaba. Tahimik lamang siyang nakatitig sa harapan. Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin. He could still remember it. The sudden movement. Her hands gripped his arm. Her surprised expression. And that brief contact. Napabuntong-hininga siya at bahagyang napakuyom ang panga. It was an accident. He knew that. She hadn’t meant to do it. Neither had he. So why was he still thinking about it? Bumukas muli ang elevator doors sa lobby. Lucien finally stepped out. Pero habang naglalakad siya papunta sa exit, hindi niya maiwasang maalala ang mukha ni April nang umatras ito sa kanya. Namumula. Nataranta. Halos hindi makatingin sa kanya. And something insides him awakened. Samantalang si April, pagdating sa labas ng building, halos hindi na makahinga sa sobrang hiya. Paano ko haharapin si Sir bukas? Napahawak siya sa labi niya. Hindi ko siya sinadya. Accident lang. At iyon ang paulit-ulit niyang sinabi sa sarili niya habang pauwi. Para kay April— isa lang iyong aksidente. Isang nakakahiyang pagkakamali na gusto niyang kalimutan agad. Pero para kay Lucien Veradis… Hindi niya alam kung bakit. Ngunit mula nang magtagpo ang mga labi nila sa loob ng elevator— hindi na niya kayang tingnan si April sa parehong paraan.Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Sa totoo lang, ilang beses kong pinilit ipikit ang mga mata ko, pero sa tuwing mapapapikit ako, bumabalik na naman sa isip ko ang nangyari sa elevator.Iyong pag-uga.Iyong pagkakahawak ni Sir Lucien sa baywang ko. Iyong mukha niya na sobrang lapit sa akin.At higit sa lahat—Iyong labi namin na aksidenteng nagtagpo.Napapikit ako habang naglalakad papasok sa office.“Shit…” Mahina akong napamura. Hindi kasi talaga maalis sa isip ko e! Nakakahiya ka april! Boss mo yun!Parang zombie akong naglalakad papunta sa magiging desk ko bilang secretary.Halos hindi ko na napapansin ang mga taong nakakasalubong ko. Tulala lang ako habang hawak ang strap ng bag ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit nga iyong mga nakakamatay na tingin ng mga dati kung kasama ay hindi ko na binigyan ng pansin.Bakit ko ba kasi kailangang maalala nang paulit-ulit?Aksidente lang iyon.AKSIDENTE. Gets? April? Hindi dapat natin iyon problemahin pa.Wala nang iba.Pero kung
Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang oras.Nang tingnan ko ang maliit na orasan sa gilid ng desk ko, halos mapatalon ako sa gulat.8:43 PM.“Ha?”Napakurap ako at muling tiningnan ang oras.Eight forty-three?!Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Kanina, maingay pa ang floor dahil sa mga taong nagmamadaling tapusin ang trabaho bago umuwi. Ngayon, kakaunti na lang ang ilaw na bukas, at halos wala nang marinig kundi ang mahinang tunog ng air-conditioning at pagta-type ko sa keyboard.Napatingin ako sa glass office ni Lucien. Nandoon pa rin siya.Nakaupo sa likod ng desk niya, abala sa pagbabasa ng ilang documents.Hindi pa rin siya umuuwi?Napabuntong-hininga ako at bumalik sa ginagawa ko. May ilang reports pa akong kailangang ayusin bago ko tuluyang maiwan ang desk ko.Ayokong umuwi nang may hindi natatapos. Lalo na’t ilang araw pa lang ako rito.Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa posisyong ibinigay sa akin.Na kahit hindi ako college graduate, kaya kong maki
Mas maaga akong pumasok kinabukasan.Actually, sobra.Thirty minutes before my supposed time, nasa tapat na ako ng Veradis Corporation, hawak ang strap ng bag ko habang paulit-ulit na humihinga nang malalim.Hindi ko alam kung kaba ba ’to o takot.Siguro pareho.First day ko bilang secretary ni Lucien Veradis.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang ini-imagine kung ano ang puwedeng mangyari.Baka pagalitan ako.Baka may magawa akong mali.Baka bigla niya akong tanggalin.Pero bago ako natulog kagabi, tinawagan ko muna sina Mama at Papa.Hindi ko puwedeng simulan ang bagong trabaho ko nang hindi man lang sinasabihan ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito.“Hello, Ma?”“April? Anak, bakit? Gabi na.”Napangiti ako nang marinig ang boses niya.“May sasabihin po ako.”“Ano ’yon?”Huminga muna ako nang malalim.“Natanggap po ako sa trabaho.”Saglit na natahimik sa kabilang linya.“Totoo ba?”“Opo.”“Anak!”Narinig ko ang boses ni Papa sa background.“Anong sabi niya?”“Nakapagtrabaho na
Kinabukasan, maaga akong nagising.Hindi dahil sanay akong gumising nang maaga, kundi dahil halos buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos.Paulit-ulit kong tinitingnan ang maliit na papel na ibinigay sa akin ng ale sa karinderya.Veradis Corporation.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may pagkakataon akong makapasok sa ganoong kalaking kumpanya.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na huwag akong umasa nang sobra.April, trabaho lang ’to.Pumunta ka roon, subukan mo.Kapag hindi natanggap, humanap ulit.Pero ngayon na nandito na ako sa harap ng gusali, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa sarili ko.Napatingala ako.Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang napakataas na gusali sa harapan ko.Hindi ko alam kung ilang palapag iyon.Ang alam ko lang, pakiramdam ko kailangan kong ipihit nang todo ang leeg ko para makita ang pinakatuktok.Ang buong building ay gawa sa salamin at makintab na bakal. Malinis ang paligid, tahimik, at parang
Naalala ko pa, tirik na tirik ang araw noon.Halos parang sinusunog ng araw ang balat ko habang naglalakad ako sa kalsada. Pawis na pawis na ako at pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang lalamunan ko sa kakalakad.Pero mas nangingibabaw ang gutom.Sobrang gutom ko na.Ilang oras na rin akong nag-iikot para maghanap ng trabaho, pero puro rejection lang ang inabot ko.Hindi qualified.College graduate ang hanap.May experience ka ba?Paulit-ulit na lang.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang laman ng pitaka ko.Wala.Ni isang piso, wala.Ang tanging dala ko lang ay isang bote ng tubig at isang pirasong tinapay na kanina ko pa unti-unting kinakain.Hindi ko puwedeng ubusin agad.Kailangan kong pagkasyahin iyon hanggang makauwi ako.Kaya bawat kagat, maliit lang.Nguyain nang mabuti.At kapag may natitira pa, ibabalik ko muna sa maliit na plastic na pinaglagyan nito.Nakakahiya mang aminin, pero umabot ako sa puntong kailangan kong pag-isipan kung kakain ba ako o iinumin ko na lang ang
Siya si April Del Rosario—simple, mabait, mahiyain, at higit sa lahat, magalang. Kaya naman sa barangay na tinitirhan niya ay halos lahat ay lubos ang pagkagusto sa kanya.Lalo na ang mga matatanda.Likas kasi siyang matulungin. Kapag may matanda na nahihirapang magbuhat ng pinamili, siya ang unang lalapit. Kapag may kapitbahay na nangangailangan ng tulong, hangga’t kaya niya, hindi niya iyon tatanggihan.Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit kahit saan siya magpunta, lagi siyang may bumabati.“April, apo! Halika, may binili akong malunggay pandesal.”Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa direksyon ng boses.Si Aling Nena iyon, nakatayo sa harap ng maliit niyang bahay habang hawak ang isang supot ng pandesal.Napangiti ako nang mahina bago lumapit sa kanya.“Para po sa akin, Tita Nena?” tanong ko, bahagyang nakangiti.“Oo naman! Sino pa ba?” natatawang sagot niya. “Alam kong paborito mo ’to.”Napakamot ako sa batok at bahagyang nahiya. Hindi ko talaga alam kung pa







