Share

Chapter 3

last update publish date: 2026-08-10 21:32:15

Kinabukasan, maaga akong nagising.

Hindi dahil sanay akong gumising nang maaga, kundi dahil halos buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos.

Paulit-ulit kong tinitingnan ang maliit na papel na ibinigay sa akin ng ale sa karinderya.

Veradis Corporation.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may pagkakataon akong makapasok sa ganoong kalaking kumpanya.

Kagabi pa lang, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na huwag akong umasa nang sobra.

April, trabaho lang ’to.

Pumunta ka roon, subukan mo.

Kapag hindi natanggap, humanap ulit.

Pero ngayon na nandito na ako sa harap ng gusali, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa sarili ko.

Napatingala ako.

Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang napakataas na gusali sa harapan ko.

Hindi ko alam kung ilang palapag iyon.

Ang alam ko lang, pakiramdam ko kailangan kong ipihit nang todo ang leeg ko para makita ang pinakatuktok.

Ang buong building ay gawa sa salamin at makintab na bakal. Malinis ang paligid, tahimik, at parang walang lugar para sa mga taong katulad kong nagtitipid kahit sa pamasahe.

May mga taong naka-formal attire na papasok at palabas ng building.

Lalaki at babaeng naka-coat.

Mga babaeng naka-high heels at eleganteng damit.

Mga lalaking mukhang may importanteng pupuntahan kahit hindi pa alas-nuwebe ng umaga.

Napatingin ako sa suot ko.

Simple lang.

Isang cream-colored blouse, itim na slacks, at isang pares ng sapatos na ilang beses ko nang pinunasan kagabi para lang magmukhang presentable.

Napabuntong-hininga ako.

“Okay lang ’to,” bulong ko sa sarili ko.

Hindi naman ako pupunta rito para magpasikat.

Nandito ako para maghanapbuhay.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang humakbang papunta sa entrance.

Pagpasok ko pa lang, agad akong sinalubong ng malamig na air-conditioning.

Napayuko ako nang bahagya habang inaayos ang strap ng bag ko.

Grabe. Kahit hangin dito sosyal. Napatingin ako sa paligid. Mas lalo akong namangha.

Malawak ang lobby. May malaking reception desk sa gitna, ilang elevator sa magkabilang gilid, at isang napakalaking logo ng kumpanya sa likod ng reception.

VERADIS CORPORATION

Simple lang ang logo, pero parang may bigat ang pangalan.

Hindi ko alam kung dahil lang sa kaba ko o dahil talaga sa reputasyon ng kumpanyang ito, pero bigla kong naramdaman na parang hindi ako bagay rito.

Napahawak ako sa maliit na papel sa loob ng bag ko.

Huwag kang uurong. Iyon ang sinabi ko sa sarili ko.

Ilang araw akong naghanap ng trabaho.Ilang beses akong tinanggihan.

At hindi ako pumunta rito para umatras dahil lang malaki ang building.

Kaya inayos ko ang damit ko at lumapit sa reception.

“Good morning po,” bati ko.

Napatingin sa akin ang receptionist.

“Good morning. May appointment ka?”

“Opo.”

Kinuha ko agad ang papel mula sa bag ko.

“Pinapunta po ako rito para sa employment.”

Tiningnan niya ang papel bago ako muling tingnan.

“Name?”

“April Del Rosario po.”

May tinype siya sa computer.

Ilang segundo siyang tahimik.

Pagkatapos ay tumango.

“Yes. You’re expected.” Napasinghap ako nang mahina.

Expected.

Ibig sabihin, totoo talaga.

Hindi lang pala ako basta sumubok.

May naghihintay sa akin.

“Please proceed to the HR department. Second floor.”

“Opo. Salamat po.”

Tumango ako at agad na lumakad papunta sa elevator.

Habang hinihintay ko itong bumukas, hindi ko maiwasang kabahan.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa araw na iyon.

Ang alam ko lang—

unang araw ko iyon sa Veradis Corporation.

At hindi ko pa alam na ang pagpasok ko sa gusaling iyon ang magiging simula ng pinakamalaking pagbabago sa buhay ko.

Pagdating ko sa second floor, agad akong sinalubong ng isang babaeng naka-formal attire.

Mukhang nasa late twenties na siya. Maayos ang pagkakatali ng buhok niya at may hawak na tablet habang naglalakad.

“April Del Rosario?”

Napahinto ako.

“Opo.”

Ngumiti siya nang bahagya.

“I’m Mara. HR department. Come with me.”

Agad akong sumunod.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid.

Mas tahimik dito kumpara sa lobby.

Halos lahat ng empleyado ay abala sa ginagawa nila. May mga nagta-type sa computer, may kausap sa telepono, at may ilang naglalakad na may dalang mga dokumento.

Walang maingay.

Walang nagkukuwentuhan.

Walang nag-iingay na parang normal na opisina.

Parang lahat may sinusunod na invisible rule.

Grabe naman.

Napayuko ako nang bahagya nang mapansin kong may ilang taong napatingin sa akin.

Siguro dahil bago ako.

O baka naman halatang-halata sa mukha ko na parang nawawala ako.

“Don’t worry,” biglang sabi ni Mara. Napatingin ako sa kanya.

“First day?”

“Opo.”

“I can tell.” Napangiti ako nang mahina.

“Halata po ba?”

“A little.” Napatawa ako nang mahina.

“Sorry po.”

She shook her head.

“You’ll get used to it.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang maliit na workstation na may computer, desk, at isang maliit na drawer.

Huminto siya.

“This will be your station.” Napatingin ako sa desk.

Simple lang.

Pero para sa akin, parang ang laki na ng bagay na iyon. May desk na ako. May trabaho na ako.

Hindi ko napigilang mapangiti. Matutulungan ko na si nanay at tatay.

“Thank you po.”

Mara handed me an ID.

“Wear this at all times inside the building.”

Tinanggap ko iyon gamit ang dalawang kamay.

APRIL DEL ROSARIO

SECRETARIAL DEPARTMENT

Napatingin ako sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kakaibang saya sa dibdib ko.

Sa wakas.

May trabaho na ako.

Hindi man ito ang pinapangarap kong trabaho noong bata ako, pero trabaho pa rin.

At higit sa lahat, pagkakataon ito.

“Your employment papers are already processed,” sabi ni Mara. “Your salary and benefits are included in your contract. You’ll receive the details through HR.”

Tumango ako.

“Opo.”

“Your direct supervisor will brief you about your daily tasks.”

“Okay po.” Akmang aalis na siya nang bigla siyang tumigil.

“Oh, one more thing.” Napatingin ako sa kanya.

“Po?”

“Don’t be late.” Napangiti ako.

“Opo. Hindi po ako nale-late.”

“Good.”

Tinalikuran niya ako, pero bago siya tuluyang umalis, may idinagdag siya.

“And April?”

“Yes po?”

“Try to keep up.”

Nawala ang ngiti ko.

“Po?”

Ngumiti siya nang bahagya.

“You’ll understand later.”

At tuluyan na siyang umalis.

Napatitig ako sa kanya.

Ano ibig sabihin no’n?

Hindi ko na lang pinansin at inayos ang mga gamit ko.

Makalipas ang ilang minuto, may isang babae namang lumapit sa desk ko.

“Hi.”

Napatingin ako.

“Hi po.”

“New secretary?”

“Opo.”

“I’m Clara.”

Ngumiti siya at umupo sa kabilang desk.

“April.”

“I know.”

Napakunot ang noo ko.

“Paano?”

“Everyone knows there’s a new secretary today.”

Napangiti ako nang alanganin.

“Ah…”

Mukhang mabilis talaga kumalat ang balita rito.

“Don’t worry,” sabi niya. “Most people here are nice.”

Most?

Hindi ko na lang tinanong kung ano ang ibig sabihin niya.

Instead, inayos ko ang mga dokumentong iniwan sa desk ko.

“Actually,” sabi ni Clara, “you’re lucky.”

“Lucky po?”

Tumango siya.

“Not everyone gets hired this quickly.”

Napatingin ako sa kanya.

“Akala ko po normal lang.”

“Not here.”

Tahimik siyang tumingin sa paligid bago bahagyang yumuko papalapit sa akin.

“Veradis Corporation isn’t like other companies.”Napalunok ako.

“Bakit po?” Hindi agad siya sumagot.

Sa halip, napatingin muna siya sa hallway.

Then she lowered her voice.

“Because the standards here are brutal.” Napatingin ako sa desk ko.

Bigla kong naalala ang lahat ng sinabi sa akin ng ale sa karinderya.

Kung may skills ka, may chance ka.

Huminga ako nang malalim.

Kaya ko ’to.

Kailangan kong kayanin.

Dahil hindi lang naman sarili ko ang iniisip ko.

May pamilya akong naghihintay sa probinsya.

At hindi ako puwedeng bumalik nang bigo.

Kaya kahit anong standard pa ang harapin ko sa kumpanyang ito—

susubukan kong abutin.

Hindi ko lang alam na may isang pangalan palang kailangan kong matutunan agad.

Isang pangalan na halos lahat ng tao rito ay iniiwasang banggitin nang malakas.

“Anong pangalan?” tanong ko.

Biglang natahimik si Clara.

Napatingin muna siya sa paligid bago yumuko nang bahagya. “Lucien Veradis.”

Napakurap ako.

“Siya po ang owner ng company?”

“CEO.”

Napatingin ako sa kanya.

“Ah.”

Iyon lang ang nasabi ko.

Pero parang hindi sapat ang simpleng ah para sa paraan ng pagkakabanggit niya sa pangalan ng lalaki.

“Bakit?” tanong ko.

“Wala ka bang narinig tungkol sa kanya?”

Umiling ako.

“Wala po. First time ko lang marinig nang ganito.”

Napabuntong-hininga si Clara.

“Then you better remember his name.”

Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang atmosphere.

“Mr. Lucien Veradis is known for being strict. Very strict.”

“Gaano po ka-strict?”

Napatawa siya nang walang saya.

“Yung tipong isang maling decimal sa report, puwedeng ibalik sa’yo buong document.”

Napanganga ako nang kaunti.

“Grabe.”

“Hindi lang ’yan.”

Lumapit siya nang kaunti.

“May employee rito dati na late ng ilang minuto sa isang meeting.”

“And?”

“Fired.”

Napatigil ako.

“Fired?”

Tumango siya.

“Hindi siya pinag-explain.”

Napahawak ako sa dibdib ko.

Okay.

Mukhang kailangan kong doblehin ang ingat ko.

“May iba pa,” dagdag niya. “Ayaw niya ng excuses. Ayaw niya ng incompetence. At higit sa lahat…”

Tumigil siya.

“Ayaw niya ng taong hindi marunong sumunod.”

Tahimik akong nakinig.

“Kapag may sinabi siya, gawin mo. Kapag may deadline, tapusin mo. At huwag na huwag kang magsisinungaling sa kanya.”

“Bakit po?”

“Because he always knows.”

Napakunot ang noo ko.

“Paano?”

“Hindi ko rin alam.”

Tumayo siya at inayos ang files sa desk niya.

“Pero tandaan mo ito, April.”

Tumingin siya sa akin nang diretso.

“Kapag nagkamali ka sa harap ni Mr. Veradis, huwag mong asahang papayagan ka niyang magpaliwanag.”

Napailing ako.

Perfect.

First day ko pa lang, may boss na akong kinatatakutan.

At ang mas nakakatakot?

May posibilidad na siya pala ang magiging direktang boss ko.

“April.”

Napalingon ako nang marinig ang boses ng isang lalaki mula sa likuran ko.

Isang lalaking naka-formal suit ang nakatayo roon, hawak ang ilang folder.

“You’re the new secretary, right?”

“Opo.”

“Come with me.”

Napatingin ako kay Clara.

Parang may gusto siyang sabihin, pero pinili na lang niyang ngumiti.

“Good luck.”

Good luck?

Hindi iyon nakatulong para mabawasan ang kaba ko.

Tahimik akong sumunod sa lalaki hanggang sa makarating kami sa isang mas tahimik na bahagi ng floor.

Huminto siya sa harap ng isang malaking glass door.

Napatingin ako sa pangalan sa maliit na silver plaque.

LUCIEN VERADIS

CHIEF EXECUTIVE OFFICER

Biglang nanlamig ang mga kamay ko.

“Dito ka magtatrabaho.”

Napatingin ako sa kanya.

“Po?”

“You’ll be assigned as Mr. Veradis’ secretary.”

Parang biglang nawala ang ingay sa paligid.

“Ako po?”

“Yes.”

“Pero… bago lang po ako.”

“I know.”

“Hindi po ako nakapagtapos ng college.”

“Mr. Veradis approved your application.”

Napakurap ako.

Siya?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mas kakabahan.

Bago siya umalis, humarap muna siya sa akin.

“One last warning.”

“Opo?”

“Never enter his office without permission.”

Tumango ako.

“Never interrupt him.”

“Opo.”

“And if he asks you something, answer honestly.”

Huminga ako nang malalim.

“Okay po.”

Tinitigan niya ako nang ilang segundo bago tuluyang umalis.

Naiwan akong nakatayo sa harap ng p***o.

Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang folder.

April, kaya mo ’to.

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko.

Tatlong beses akong kumatok.

Knock. Knock. Knock.

Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa loob.

“Come in.”

At doon ko unang nakilala ang lalaking kinatatakutan ng buong Veradis Corporation.

Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.

At doon ko siya unang nakita.

Napahinto ako.

Grabe.

Matangkad siya. Siguro nasa six feet or more. Malapad ang balikat at malaki ang pangangatawan, pero hindi sobra. The kind of build that made his black suit look perfectly fitted against his body.

His dark hair was neatly styled, a few strands naturally falling across his forehead. Sharp ang jawline niya, straight ang ilong, at makapal ang kilay na lalong nagpapatalas sa malamig niyang mga mata.

And his face…

Damn.

He was ridiculously handsome.

Hindi iyong simpleng gwapo lang.

Iyong tipong kahit ayaw mong tumingin, mapapatingin ka pa rin.

Pero sa kabila ng kagwapuhan niya, walang kahit anong warmth sa mukha niya.

Cold.

Serious.

Untouchable.

Parang hindi siya sanay ngumiti.

Napansin niyang nakatitig ako kaya agad akong napayuko.

Shit.

“April Del Rosario?”

Napakurap ako.

“Opo.”

Dahan-dahan niyang itinaas ang mga mata niya sa akin.

Malamig.

Matalim.

Nakakakaba.

“You’re my new secretary?”

“Opo, Sir.”

Tumayo siya mula sa kinauupuan niya.

Mas lalo kong napansin kung gaano siya katangkad.

Pero bago pa ako makapagsalita, malamig niyang sinabi,

“Starting today, you work for me.”

“Yes, Sir.”

Lumapit siya nang kaunti, sapat lang para maramdaman kong mas lalo akong nai-intimidate.

“I don’t tolerate mistakes.”

Nanatili akong tahimik.

“If you make one, fix it immediately.”

Tumango ako.

“Opo.”

His eyes narrowed slightly.

“And don’t give me excuses.”

Napahigpit ang hawak ko sa folder.

“Yes, Sir.”

Saglit siyang natahimik.

Then his voice dropped lower.

“Because the first serious mistake you make here…”

Tumigil siya at diretso akong tinitigan.

“…could be your last day in this company.”

Nanlamig ang batok ko.

“Understood?”

“Opo.”

“Good.”

Tumalikod siya at bumalik sa desk niya na para bang wala siyang sinabi.

Samantalang ako, nanatili pa ring nakatayo roon.

First day ko pa lang.

Gusto ko nang umuwi.

Pero kailangan kong huminga nang malalim at pigilan ang sarili kong kabahan.

Dahil mula sa araw na iyon, si Lucien Veradis na ang magiging boss ko.

At base sa unang pagkikita namin—

mukhang hindi magiging madali ang trabaho ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 6

    Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Sa totoo lang, ilang beses kong pinilit ipikit ang mga mata ko, pero sa tuwing mapapapikit ako, bumabalik na naman sa isip ko ang nangyari sa elevator.Iyong pag-uga.Iyong pagkakahawak ni Sir Lucien sa baywang ko. Iyong mukha niya na sobrang lapit sa akin.At higit sa lahat—Iyong labi namin na aksidenteng nagtagpo.Napapikit ako habang naglalakad papasok sa office.“Shit…” Mahina akong napamura. Hindi kasi talaga maalis sa isip ko e! Nakakahiya ka april! Boss mo yun!Parang zombie akong naglalakad papunta sa magiging desk ko bilang secretary.Halos hindi ko na napapansin ang mga taong nakakasalubong ko. Tulala lang ako habang hawak ang strap ng bag ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit nga iyong mga nakakamatay na tingin ng mga dati kung kasama ay hindi ko na binigyan ng pansin.Bakit ko ba kasi kailangang maalala nang paulit-ulit?Aksidente lang iyon.AKSIDENTE. Gets? April? Hindi dapat natin iyon problemahin pa.Wala nang iba.Pero kung

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 5

    Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang oras.Nang tingnan ko ang maliit na orasan sa gilid ng desk ko, halos mapatalon ako sa gulat.8:43 PM.“Ha?”Napakurap ako at muling tiningnan ang oras.Eight forty-three?!Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Kanina, maingay pa ang floor dahil sa mga taong nagmamadaling tapusin ang trabaho bago umuwi. Ngayon, kakaunti na lang ang ilaw na bukas, at halos wala nang marinig kundi ang mahinang tunog ng air-conditioning at pagta-type ko sa keyboard.Napatingin ako sa glass office ni Lucien. Nandoon pa rin siya.Nakaupo sa likod ng desk niya, abala sa pagbabasa ng ilang documents.Hindi pa rin siya umuuwi?Napabuntong-hininga ako at bumalik sa ginagawa ko. May ilang reports pa akong kailangang ayusin bago ko tuluyang maiwan ang desk ko.Ayokong umuwi nang may hindi natatapos. Lalo na’t ilang araw pa lang ako rito.Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa posisyong ibinigay sa akin.Na kahit hindi ako college graduate, kaya kong maki

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 4

    Mas maaga akong pumasok kinabukasan.Actually, sobra.Thirty minutes before my supposed time, nasa tapat na ako ng Veradis Corporation, hawak ang strap ng bag ko habang paulit-ulit na humihinga nang malalim.Hindi ko alam kung kaba ba ’to o takot.Siguro pareho.First day ko bilang secretary ni Lucien Veradis.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang ini-imagine kung ano ang puwedeng mangyari.Baka pagalitan ako.Baka may magawa akong mali.Baka bigla niya akong tanggalin.Pero bago ako natulog kagabi, tinawagan ko muna sina Mama at Papa.Hindi ko puwedeng simulan ang bagong trabaho ko nang hindi man lang sinasabihan ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito.“Hello, Ma?”“April? Anak, bakit? Gabi na.”Napangiti ako nang marinig ang boses niya.“May sasabihin po ako.”“Ano ’yon?”Huminga muna ako nang malalim.“Natanggap po ako sa trabaho.”Saglit na natahimik sa kabilang linya.“Totoo ba?”“Opo.”“Anak!”Narinig ko ang boses ni Papa sa background.“Anong sabi niya?”“Nakapagtrabaho na

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 3

    Kinabukasan, maaga akong nagising.Hindi dahil sanay akong gumising nang maaga, kundi dahil halos buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos.Paulit-ulit kong tinitingnan ang maliit na papel na ibinigay sa akin ng ale sa karinderya.Veradis Corporation.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may pagkakataon akong makapasok sa ganoong kalaking kumpanya.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na huwag akong umasa nang sobra.April, trabaho lang ’to.Pumunta ka roon, subukan mo.Kapag hindi natanggap, humanap ulit.Pero ngayon na nandito na ako sa harap ng gusali, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa sarili ko.Napatingala ako.Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang napakataas na gusali sa harapan ko.Hindi ko alam kung ilang palapag iyon.Ang alam ko lang, pakiramdam ko kailangan kong ipihit nang todo ang leeg ko para makita ang pinakatuktok.Ang buong building ay gawa sa salamin at makintab na bakal. Malinis ang paligid, tahimik, at parang

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 2

    Naalala ko pa, tirik na tirik ang araw noon.Halos parang sinusunog ng araw ang balat ko habang naglalakad ako sa kalsada. Pawis na pawis na ako at pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang lalamunan ko sa kakalakad.Pero mas nangingibabaw ang gutom.Sobrang gutom ko na.Ilang oras na rin akong nag-iikot para maghanap ng trabaho, pero puro rejection lang ang inabot ko.Hindi qualified.College graduate ang hanap.May experience ka ba?Paulit-ulit na lang.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang laman ng pitaka ko.Wala.Ni isang piso, wala.Ang tanging dala ko lang ay isang bote ng tubig at isang pirasong tinapay na kanina ko pa unti-unting kinakain.Hindi ko puwedeng ubusin agad.Kailangan kong pagkasyahin iyon hanggang makauwi ako.Kaya bawat kagat, maliit lang.Nguyain nang mabuti.At kapag may natitira pa, ibabalik ko muna sa maliit na plastic na pinaglagyan nito.Nakakahiya mang aminin, pero umabot ako sa puntong kailangan kong pag-isipan kung kakain ba ako o iinumin ko na lang ang

  • The Billionaire’s Kiss   Chapter 1

    Siya si April Del Rosario—simple, mabait, mahiyain, at higit sa lahat, magalang. Kaya naman sa barangay na tinitirhan niya ay halos lahat ay lubos ang pagkagusto sa kanya.Lalo na ang mga matatanda.Likas kasi siyang matulungin. Kapag may matanda na nahihirapang magbuhat ng pinamili, siya ang unang lalapit. Kapag may kapitbahay na nangangailangan ng tulong, hangga’t kaya niya, hindi niya iyon tatanggihan.Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit kahit saan siya magpunta, lagi siyang may bumabati.“April, apo! Halika, may binili akong malunggay pandesal.”Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa direksyon ng boses.Si Aling Nena iyon, nakatayo sa harap ng maliit niyang bahay habang hawak ang isang supot ng pandesal.Napangiti ako nang mahina bago lumapit sa kanya.“Para po sa akin, Tita Nena?” tanong ko, bahagyang nakangiti.“Oo naman! Sino pa ba?” natatawang sagot niya. “Alam kong paborito mo ’to.”Napakamot ako sa batok at bahagyang nahiya. Hindi ko talaga alam kung pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status