LOGINNaalala ko pa, tirik na tirik ang araw noon.
Halos parang sinusunog ng araw ang balat ko habang naglalakad ako sa kalsada. Pawis na pawis na ako at pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang lalamunan ko sa kakalakad. Pero mas nangingibabaw ang gutom. Sobrang gutom ko na. Ilang oras na rin akong nag-iikot para maghanap ng trabaho, pero puro rejection lang ang inabot ko. Hindi qualified. College graduate ang hanap. May experience ka ba? Paulit-ulit na lang. Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang laman ng pitaka ko. Wala. Ni isang piso, wala. Ang tanging dala ko lang ay isang bote ng tubig at isang pirasong tinapay na kanina ko pa unti-unting kinakain. Hindi ko puwedeng ubusin agad. Kailangan kong pagkasyahin iyon hanggang makauwi ako. Kaya bawat kagat, maliit lang. Nguyain nang mabuti. At kapag may natitira pa, ibabalik ko muna sa maliit na plastic na pinaglagyan nito. Nakakahiya mang aminin, pero umabot ako sa puntong kailangan kong pag-isipan kung kakain ba ako o iinumin ko na lang ang natitirang tubig para malimutan kahit kaunti ang kumakalam kong sikmura. Habang naglalakad, napansin ko ang isang maliit na karinderya sa gilid ng kalsada. Huminto ako. Mula pa lang sa labas ay naamoy ko na ang bagong saing na kanin at mga ulam na niluluto. Napalunok ako. Ang sarap siguro kumain. Pero agad kong kinalikot ang laman ng bulsa ko. May ilang barya. Binilang ko iyon nang paulit-ulit. Sapat lang para sa dalawang tig-dalawampung pisong tinapay. Napangiti ako nang pilit. “Okay na ’to,” bulong ko sa sarili. Pumasok ako sa karinderya at lumapit sa tindahan. “Manang…” mahina kong tawag. Napatingin sa akin ang ale sa likod ng counter. “O, hija? Ano ’yon?” “Pwede po bang… dalawang tinapay lang? Iyong tig-dalawampu?” Akmang kukunin na niya ang tinapay nang mapansin niya ang itsura ko. “Anak, bakit ang pawis mo?” Napatingin ako sa sarili ko. Basang-basa na ng pawis ang damit ko. Magulo rin siguro ang buhok ko dahil sa kakalakad sa ilalim ng araw. “Wala lang po,” mabilis kong sagot, sabay ngiti. Pero parang hindi siya kumbinsido. “Galing ka saan?” “Sa mga pinasahan ko pong trabaho.” “Trabaho?” Tumango ako. “Opo.” Saglit siyang natahimik habang nakatingin sa akin. “Mag-isa ka lang?” “Opo.” “May inuuwian ka?” “Opo. May tinutuluyan po ako dito.” “May trabaho ka na?” Napayuko ako. “Wala pa po.” Hindi ko alam kung bakit, pero biglang bumigat ang pakiramdam ko nang sabihin ko iyon. “Kanina pa po akong naghahanap. Kaso…” Napatawa ako nang mahina, kahit walang nakakatawa. “Hindi po ako nakatapos ng college kaya hindi ako natatanggap.” Napansin kong nagbago ang mukha ng ale. Kanina ay simpleng pagtataka lang ang nasa mga mata niya. Ngayon, may lungkot na. May awa. At parang may kung anong sakit siyang naramdaman para sa akin. “Anak…” mahina niyang sambit. Mabilis akong ngumiti. “Okay lang po ako.” Pero bago pa man niya ako sagutin, kumalam nang malakas ang tiyan ko. Grrr. Napapikit ako sa sobrang hiya. Natahimik kaming dalawa. Hanggang sa marahan siyang napabuntong-hininga. “Dalawang tinapay lang talaga?” Tumango ako. “Opo. Para may makain lang po ako mamaya.” Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Pagkatapos, sa halip na kunin ang pera ko, kumuha siya ng plato. “Umupo ka.” Napakunot ang noo ko. “Po?” “Umupo ka muna diyan.” “Pero bibili lang po sana ako ng tinapay—” “Alam ko.” Kumuha siya ng kanin at ilang ulam, saka inilapag iyon sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko. “Manang, hindi po ako—” “Hindi ko tinatanong kung may pera ka.” Napatigil ako. “Ang tinatanong ko,” malumanay niyang sabi, “kung kailan ka huling kumain.” Hindi ako agad nakasagot. Dahil sa simpleng tanong na iyon, parang bigla kong naramdaman ang bigat ng buong araw. Napayuko ako. “Kanina pa po… umaga.” At sa unang pagkakataon nang araw na iyon, hindi ko na napigilan ang mga mata kong mangilid. Hindi dahil mahina ako. Siguro dahil sa sobrang pagod. Sa sobrang gutom. At sa sobrang tagal kong piliting kayanin ang lahat nang mag-isa. Tahimik na inilapit ng ale ang plato sa akin. “Kung hindi mo kayang bumili, hindi ibig sabihin no’n na kailangan mong magutom.” Napatingin ako sa kanya. At sa simpleng salita niyang iyon, parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. “Salamat po…” Iyon lang ang nasabi ko. Dahil kung nagsalita pa ako, baka tuluyan na akong umiyak sa harap niya. Tahimik akong kumakain habang nakaupo sa maliit na mesa ng karinderya. Hindi ko na napansin kung gaano kabilis kong naubos ang pagkain. Siguro dahil ilang oras na ring walang laman ang tiyan ko. Habang umiinom ako ng tubig, biglang nagsalita ang ale. “Anak…” Napatingin ako sa kanya. “Po?” “May alam akong puwedeng pasukan para sa’yo.” Napakunot ang noo ko. “Trabaho po?” Tumango siya. “Oo.” Agad akong naging interesado. “Saan po?” “Sa Veradis Corporation.” Halos mabitawan ko ang baso sa kamay ko. “Veradis?” “Oo.” Narinig ko na ang pangalan ng kumpanyang iyon. Sino ba namang hindi? Ang Veradis Corporation ang isa sa pinakamalaki, pinakamakapangyarihan, at pinaka-strict na kumpanya sa buong bansa. Maraming gustong makapasok doon, pero kakaunti lang ang nakakalusot. “Pero… hindi po ba kailangan ng college degree doon?” Napangiti ang ale. “Hindi.” “Hindi po?” “Hindi raw nila tinitingnan kung anong natapos mo.” Hindi ako agad nakapagsalita. “Ang tinitingnan nila ay kung ano ang kaya mong gawin. Kung may skills ka. Kung mabilis kang matuto. At higit sa lahat, kung kaya mong tumayo sa sarili mong paa kahit gaano kahirap ang trabaho.” Napaisip ako. “Paano ninyo po nalaman?” “Anak ko.” Napatingin ako sa kanya. “Nagtatrabaho siya roon.” “Talaga po?” “Oo. Hindi rin siya nakapagtapos ng college.” Napangiti siya nang may pagmamalaki. “Pero dahil marunong siya at masipag, tinanggap siya. Ngayon, nakakakuha na siya ng magandang sahod at nakakapagbigay na rin sa amin.” Hindi ko maiwasang mapangiti. “Ang galing naman po.” “Oo. Kaya naisip kita.” Napahawak ako sa dibdib ko. “Pero… baka hindi rin po ako matanggap.” “Subukan mo muna bago ka sumuko.” Napayuko ako. Ilang beses na akong tinanggihan. Ilang beses na rin akong umuwi na mabigat ang loob. Pero sa unang pagkakataon, may nagsabi sa akin na subukan ko. “Nasaan po ang office nila?” Ipinaliwanag niya sa akin ang lugar at binigyan pa ako ng maliit na papel na may pangalan ng taong maaari kong hanapin. Mahigpit ko iyong hinawakan. “Salamat po.” “Walang anuman, anak.” Ngumiti siya. “At isa pa…” “Po?” “Kapag natanggap ka, huwag kang matatakot dahil mahigpit sila roon.” Napatawa ako nang mahina. “Ganoon po ba ka-strikto?” Umiling siya. “Hindi ko alam kung gaano ka-strikto ang ibang tao roon.” Saglit siyang natahimik bago ngumiti. “Pero ang boss ng anak ko…” Nawala ang ngiti niya. “…iyon ang dapat mong katakutan.” Napangiti ako nang alanganin. “Bakit po?” “Dahil kahit anong galing mo, kahit anong sipag mo, kapag nagkamali ka sa harap niya…” Umiling siya. “Walang second chance.” Napatingin ako sa hawak kong papel. Veradis Corporation. Hindi ko alam noon na ang maliit na pirasong papel na iyon ang magiging simula ng panibagong kabanata ng buhay ko. Isang kabanata na puno ng pagsubok. At higit sa lahat— ang unang pagkikita ko sa pinakamahigpit kong boss.Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi.Sa totoo lang, ilang beses kong pinilit ipikit ang mga mata ko, pero sa tuwing mapapapikit ako, bumabalik na naman sa isip ko ang nangyari sa elevator.Iyong pag-uga.Iyong pagkakahawak ni Sir Lucien sa baywang ko. Iyong mukha niya na sobrang lapit sa akin.At higit sa lahat—Iyong labi namin na aksidenteng nagtagpo.Napapikit ako habang naglalakad papasok sa office.“Shit…” Mahina akong napamura. Hindi kasi talaga maalis sa isip ko e! Nakakahiya ka april! Boss mo yun!Parang zombie akong naglalakad papunta sa magiging desk ko bilang secretary.Halos hindi ko na napapansin ang mga taong nakakasalubong ko. Tulala lang ako habang hawak ang strap ng bag ko, pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit nga iyong mga nakakamatay na tingin ng mga dati kung kasama ay hindi ko na binigyan ng pansin.Bakit ko ba kasi kailangang maalala nang paulit-ulit?Aksidente lang iyon.AKSIDENTE. Gets? April? Hindi dapat natin iyon problemahin pa.Wala nang iba.Pero kung
Hindi ko namalayan kung gaano kabilis lumipas ang oras.Nang tingnan ko ang maliit na orasan sa gilid ng desk ko, halos mapatalon ako sa gulat.8:43 PM.“Ha?”Napakurap ako at muling tiningnan ang oras.Eight forty-three?!Halos lahat ng empleyado ay nakauwi na.Kanina, maingay pa ang floor dahil sa mga taong nagmamadaling tapusin ang trabaho bago umuwi. Ngayon, kakaunti na lang ang ilaw na bukas, at halos wala nang marinig kundi ang mahinang tunog ng air-conditioning at pagta-type ko sa keyboard.Napatingin ako sa glass office ni Lucien. Nandoon pa rin siya.Nakaupo sa likod ng desk niya, abala sa pagbabasa ng ilang documents.Hindi pa rin siya umuuwi?Napabuntong-hininga ako at bumalik sa ginagawa ko. May ilang reports pa akong kailangang ayusin bago ko tuluyang maiwan ang desk ko.Ayokong umuwi nang may hindi natatapos. Lalo na’t ilang araw pa lang ako rito.Gusto kong patunayan na karapat-dapat ako sa posisyong ibinigay sa akin.Na kahit hindi ako college graduate, kaya kong maki
Mas maaga akong pumasok kinabukasan.Actually, sobra.Thirty minutes before my supposed time, nasa tapat na ako ng Veradis Corporation, hawak ang strap ng bag ko habang paulit-ulit na humihinga nang malalim.Hindi ko alam kung kaba ba ’to o takot.Siguro pareho.First day ko bilang secretary ni Lucien Veradis.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang ini-imagine kung ano ang puwedeng mangyari.Baka pagalitan ako.Baka may magawa akong mali.Baka bigla niya akong tanggalin.Pero bago ako natulog kagabi, tinawagan ko muna sina Mama at Papa.Hindi ko puwedeng simulan ang bagong trabaho ko nang hindi man lang sinasabihan ang mga taong dahilan kung bakit ako nandito.“Hello, Ma?”“April? Anak, bakit? Gabi na.”Napangiti ako nang marinig ang boses niya.“May sasabihin po ako.”“Ano ’yon?”Huminga muna ako nang malalim.“Natanggap po ako sa trabaho.”Saglit na natahimik sa kabilang linya.“Totoo ba?”“Opo.”“Anak!”Narinig ko ang boses ni Papa sa background.“Anong sabi niya?”“Nakapagtrabaho na
Kinabukasan, maaga akong nagising.Hindi dahil sanay akong gumising nang maaga, kundi dahil halos buong gabi akong hindi nakatulog nang maayos.Paulit-ulit kong tinitingnan ang maliit na papel na ibinigay sa akin ng ale sa karinderya.Veradis Corporation.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang may pagkakataon akong makapasok sa ganoong kalaking kumpanya.Kagabi pa lang, ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na huwag akong umasa nang sobra.April, trabaho lang ’to.Pumunta ka roon, subukan mo.Kapag hindi natanggap, humanap ulit.Pero ngayon na nandito na ako sa harap ng gusali, parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko sa sarili ko.Napatingala ako.Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang napakataas na gusali sa harapan ko.Hindi ko alam kung ilang palapag iyon.Ang alam ko lang, pakiramdam ko kailangan kong ipihit nang todo ang leeg ko para makita ang pinakatuktok.Ang buong building ay gawa sa salamin at makintab na bakal. Malinis ang paligid, tahimik, at parang
Naalala ko pa, tirik na tirik ang araw noon.Halos parang sinusunog ng araw ang balat ko habang naglalakad ako sa kalsada. Pawis na pawis na ako at pakiramdam ko tuyong-tuyo na ang lalamunan ko sa kakalakad.Pero mas nangingibabaw ang gutom.Sobrang gutom ko na.Ilang oras na rin akong nag-iikot para maghanap ng trabaho, pero puro rejection lang ang inabot ko.Hindi qualified.College graduate ang hanap.May experience ka ba?Paulit-ulit na lang.Napabuntong-hininga ako habang tinitingnan ang laman ng pitaka ko.Wala.Ni isang piso, wala.Ang tanging dala ko lang ay isang bote ng tubig at isang pirasong tinapay na kanina ko pa unti-unting kinakain.Hindi ko puwedeng ubusin agad.Kailangan kong pagkasyahin iyon hanggang makauwi ako.Kaya bawat kagat, maliit lang.Nguyain nang mabuti.At kapag may natitira pa, ibabalik ko muna sa maliit na plastic na pinaglagyan nito.Nakakahiya mang aminin, pero umabot ako sa puntong kailangan kong pag-isipan kung kakain ba ako o iinumin ko na lang ang
Siya si April Del Rosario—simple, mabait, mahiyain, at higit sa lahat, magalang. Kaya naman sa barangay na tinitirhan niya ay halos lahat ay lubos ang pagkagusto sa kanya.Lalo na ang mga matatanda.Likas kasi siyang matulungin. Kapag may matanda na nahihirapang magbuhat ng pinamili, siya ang unang lalapit. Kapag may kapitbahay na nangangailangan ng tulong, hangga’t kaya niya, hindi niya iyon tatanggihan.Kaya hindi na rin siya nagtataka kung bakit kahit saan siya magpunta, lagi siyang may bumabati.“April, apo! Halika, may binili akong malunggay pandesal.”Napahinto ako sa paglalakad at agad na napalingon sa direksyon ng boses.Si Aling Nena iyon, nakatayo sa harap ng maliit niyang bahay habang hawak ang isang supot ng pandesal.Napangiti ako nang mahina bago lumapit sa kanya.“Para po sa akin, Tita Nena?” tanong ko, bahagyang nakangiti.“Oo naman! Sino pa ba?” natatawang sagot niya. “Alam kong paborito mo ’to.”Napakamot ako sa batok at bahagyang nahiya. Hindi ko talaga alam kung pa







