MY MYSTERIOUS WIFE BOOK II THIRD-GENERATIONCHAPTER 123RD POV "Jin, kanina ko na napapansin na tahimik ka, may nangyari ba?" Tanong sa kanya ni Nova, habang mabilis siyang umiling dito. "Wala, may iniisip lang ako, tungkol sa bagong project ng kumpanya." Pagsisinungaling niya rito, habang pinulupot ni Nova, ang mga braso nito sa braso niya. Nang makarating sila sa opisina, ay mabilis siyang pumasok, dahil sa inis pa rin na nararamdaman niya, ay hinampas niya ang lamesa, habang kinuha niya ang kanyang phone. "Bakit?" napa-kunot ang noo niya, nang marinig niya ang sagot ni Ivanna, mula sa kabilang linya. "Anong bakit? Pumunta ka rito, dahil may kailangan ako sa 'yo!" Galit na wika niya rito, habang mabilis niyang pinutol ang tawag. Umikot siya sa lamesa niya, at umupo sa kanyang upuan, habang hinihintay si Ivanna. "Ano ang ipapagawa mo sa akin?" Tanong nito, habang nilapitan siya. Mabilis naman siyang tumayo, at hinawakan nang mahigpit ang braso nito. "Sabihin mo sa akin ang to
Last Updated : 2026-09-05 Read more