Hindi na bumalik si Isabella sa site maging sa office niya nang hapon na yun. Diretso siya sa Elfuego Mansion. Pagdating niya, tahimik lang siya. Umakyat sa kwarto niya, naghubad ng boots na puno ng alikabok ng Clark, at naligo ng matagal. Mga 40 minutes siya sa ilalim ng shower. Hindi dahil sa init at pawis. Gusto niya lang mabura yung pakiramdam na naloko na naman siya. Para sa ibang tao maaaring maliit na bagay lang iyon, pero para sakanya na may matinding trauma sa nakaraan ay malaking bagay ang tungkol sa panloloko. Limang taon na ang nakalipas pero sariwa pa rin ang mga kabiguan niya sa buhay. Akala niya gumaling na siya matapos na halos dalawang taon ng pag papakunsulta sa kanyang doctor sa Netherlands para sa Anxiety. Pilit niyang kinakalimutan pero naroon parin talaga. At ngayon, parang bumabalik iyon sa mga simpleng bagay na nangyayari sakanya kahit na iwasan pa. "Sanay na ako, palagi naman akong nauuto, wala ng bago," yun yung sinabi niya kay Devlin kanina, pero hin
Última actualización : 2026-09-02 Leer más