Isang lalaki mula sa kabilang table ang tumayo ng sobrang bilis hanggang natumba ang upuan nito sa pagtayo. Matangkad, nasa 6'1, maputi ang balat, malapad ang balikat, simpleng white polo shirt lang na nakatupi hanggang siko, kita ang maugat na braso. May leather messenger bag na nakasabit sa upuan niya na may stethoscope na nakasilip. Magulo ang buhok niya, halatang galing sa mahabang duty. Pero mukha niya — gwapo, half foreign, matangos ang ilong, seryoso ang mukha. Hindi na siya naghintay ng permiso. Maingat pero mabilis niyang kinuha si Liam mula sa nanginginig na braso ni Isabella. "Hi buddy, I got you, okay? I'm going to help you. Don't be scared, I'm a doctor." Tinalikod niya si Liam, likod nito nakaharap sa dibdib niya. Lumuhod siya ng bahagya para pantay sila ng bata. Isang braso nakapulupot sa dibdib ni Liam, yung kabila — nakakuyom — nasa itaas ng pusod, ibaba ng ribs. "One, two—" Mabilis at kontroladong pagdiin pataas. Walang nangyari. Si Luna humahagulgol n
Última actualización : 2026-09-07 Leer más