Lexi Ignacio POVMatapos ang huling pakiusap ni Adrian na bigyan ko pa siya ng isang pagkakataon, binalot ng mabigat na katahimikan ang aming mesa sa loob ng pampublikong café. Maraming tao sa paligid, may mga nag-uusap at tumatawa, pero sa aming dalawa, parang kami lang ang naroon sa isang madilim na sulok ng nakaraan.Tinitigan ko si Adrian habang nakayuko siya, naghihintay pa rin ng sagot ko na parang may milagrong mangyayari."Adrian," pabulong kong simula sa isang kalmado ngunit matatag na boses. "Hindi ako babalik sa'yo."Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Adrian, ang mga mata niya ay may halong galit at pagkabigo. "Kaya mo ba ito ginagawa dahil kay Xylo? Pinili mo ba siya kaysa sa kasal natin, Lexi? Ganun na lang ba kadali para sa'yo na itapon ang lahat ng pinagsamahan natin dahil lang may bago kang nakilalang bilyonaryo na magbibigay sa'yo ng maginhawang buhay?"Umiling ako nang mariin, walang emosyon sa mukha ko kundi ang pagod sa kanyang mga paratang. "Huwag mong ilipat ang
Last Updated : 2026-11-12 Read more