Lexi Ignacio POV Nakatayo kaming tatlo sa ilalim ng malamig na ilaw ng kotse ni Adrian. Ang bigat ng tensyon sa hangin, halos hindi ako makahinga. Nakatitig si Adrian kay Ethan habang ang dalawa niyang kamay ay nakakuyom sa kanyang tagiliran. "You were supposed to be nowhere near my wife," ulit ni Adrian, mas mababa at mas nakakatakot ang boses niya ngayon. "Inutusan kitang magbantay sa perimeter ng guest house, hindi ang makipag-usap sa asawa ko sa gitna ng dilim." Tumingin ako kay Adrian, tapos kay Ethan. Nakatayo pa rin si Ethan nang tuwid, walang bakas ng kaba sa mukha niya. Parang hindi man lang siya natitinag sa galit ng lalaking nagpapasahod sa kanya. "Narinig ko kasing may kaluskos sa may gazebo, Sir," kalmadong sagot ni Ethan. "Sinundan ko lang para siguraduhing walang ibang tao. Nagulat na lang ako nang makitang si Ma'am Lexi pala." Humarap si Adrian sa akin, hawak ang braso ko nang medyo mahigpit. "Is that true, Lexi? Bakit ka naglalakad sa labas nang ganitong oras? At
Last Updated : 2026-08-17 Read more