Ilang oras matapos madukot si Eliana...Kasalukuyang nasa biyahe sina Damian at Lucas, habang ang sasakyan ay tuloy-tuloy na umaandar sa kahabaan ng kalsada ."Lucas, alam mo naman na kung saan tayo magkikita ni Sir Alexis?" tanong ni Damian. Si Sir Alexis ang taong gustong magbenta ng kanyang malawak na lupain kay Damian ."Opo, Sir. Ipinadala na po ni Sir Alexis ang location ng meet-up natin sa kanya. Pero may medyo kakaiba lang po sa kliyenteng ito. Hindi niyo po ba naramdaman?" takang tanong ni Lucas ."Paanong kakaiba, Lucas?" tanong naman ni Damian ."Napakalawak po ng lupang ibinebenta ni Sir Alexis, at napakaganda pa ng lokasyon. Pero bakit po kaya napakababa ng presyong hinihingi niya kumpara sa presyo ngayon ng gano’ng kalaking lupain, Sir? Sa ganitong pagkakataon na napakaganda ng negosyo, nagawa pa niyang makipagkita sa inyo nang personal." Simula pa lang ay nakaramdam na si Lucas ng pagdududa rito, ngunit ngayon lang niya nasabi ang kanyang hinala."Kapag ang isang tao ay
Last Updated : 2026-10-20 Read more