Dahil sa tunog na nagmula sa closet ni Damian, agad na napalingon si Aling Victoria. Mabilis namang napapikit si Damian at agad din namang, napatingin siya sa closet. Sa loob-loob niya ay nag-aalala siya sa kalagayan ni Eliana na nasa loob ng closet. “Sir, saan po galing ’yung tunog na ’yon?” tanong ni Aling Victoria kay Damian. Dahil inaantok pa at kinakabahan, hindi na nakapag-isip ng maayos na sagot si Damian na ngayon ay humaharang sa harap ng closet niya. “Uhm…ano, Aling Victoria. Baka… pusa,” sabi niya habang kinakamot ang batok. Bahagyang nagdikit ang mga kilay ni Aling Victoria. “Pusa? Kaninong pusa? Mula pa noon, wala namang pusa sa bahay na ito, Sir,” sabi niya sa tono ng isang inang sanay nang mabasa kung nagsasabi ba ng totoo ang anak o nagsisinungaling lang. Sa loob ng closet, napayuko si Eliana habang tinatakpan ang bibig at pinipigilan niya ang pagtawa at ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Oh my… Possible palang maging ganito kataranta si Papa? Tapos, hindi pa
Last Updated : 2026-09-23 Read more