Isang itim at kumikinang na SUV ang huminto sa tapat ni Nalah pagkalipas ng limang minuto. Bumaba ang tinted na bintana sa passenger side at iniluwa niyon ang mukha ni Hakeem na nakasuot na ngayon ng itim na hoodie at seryosong nakatitig sa kaniya."Get in," maikling utos ng binata.Hindi na nagdalawang-isip pa si Nalah. Pumasok siya sa passenger seat habang dahan-dahang ikinakabit ang seatbelt. Sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa aircon at ng pamilyar na amoy ng pabango ni Hakeem."Nacheck mo ba 'yung eksaktong address sa system ninyo?" tanong ni Hakeem habang pinalalabas ang sasakyan sa subdivision gate.Ipinatong ni Nalah ang kaniyang government-issued tablet sa kaniyang hita at binuksan ang offline GPS app ng census. "Sabi rito sa Sitio 7, Block 12, Lot 1... Medyo nakahiwalay 'to sa main Phase ng subdivision. Nakalagay sa boundary map, kailangan nating lumabas nang kaunti sa back gate tapos sundan 'yung lumang kalsada papunta sa kabilang ridge."Kumunot ang noo ni Hakeem
Terakhir Diperbarui : 2026-09-27 Baca selengkapnya