Sementadong daan na may kasamang matatarik na paakyat ang agahan ni Nalah nitong mga nakaraang linggo, isang kalbaryong parang walang katapusan sa ilalim ng nagbabagang sikat ng araw ng Marso. Suot ang kanyang asul vest na medyo maluwag sa kanyang maliit na pangangatawan, may bitbit na identification card na nakasabit sa kanyang leeg, at hawak ang clipboard at tablet, pinahid niya ang pawis sa kanyang noo gamit ang likod ng kanyang palad.“Sunog na naman ako nito!” reklamo niya.Third-year psychology student siya sa gabi sa isang unibersidad sa lungsod, pero sa umaga, isa siyang tapat, medyo pagod, at unti-unti nang nauubusan ng pasensyang enumerator ng isang census. Ang kanyang araw-araw na routine ay binubuo ng paglalakad, pagsubaybay sa mga mapa, at pakikipag-usap sa iba't ibang uri ng tao—mula sa mga tsismosang kapitbahay hanggang sa mga galit na aso. Pero walang naghahanda sa kanya sa hamon ng nakatagong mansyon sa dulo ng sitio 4."Day Seven," bulong niya sa sarili habang nakata
Last Updated : 2026-08-17 Read more