Share

Chapter 12

Penulis: disguisedname
last update Tanggal publikasi: 2026-09-27 14:47:02

Isang itim at kumikinang na SUV ang huminto sa tapat ni Nalah pagkalipas ng limang minuto. Bumaba ang tinted na bintana sa passenger side at iniluwa niyon ang mukha ni Hakeem na nakasuot na ngayon ng itim na hoodie at seryosong nakatitig sa kaniya.

"Get in," maikling utos ng binata.

Hindi na nagdalawang-isip pa si Nalah. Pumasok siya sa passenger seat habang dahan-dahang ikinakabit ang seatbelt. Sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa aircon at ng pamilyar na amoy ng pabango ni Hakeem.

"Na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 12

    Isang itim at kumikinang na SUV ang huminto sa tapat ni Nalah pagkalipas ng limang minuto. Bumaba ang tinted na bintana sa passenger side at iniluwa niyon ang mukha ni Hakeem na nakasuot na ngayon ng itim na hoodie at seryosong nakatitig sa kaniya."Get in," maikling utos ng binata.Hindi na nagdalawang-isip pa si Nalah. Pumasok siya sa passenger seat habang dahan-dahang ikinakabit ang seatbelt. Sinalubong siya ng malamig na hangin mula sa aircon at ng pamilyar na amoy ng pabango ni Hakeem."Nacheck mo ba 'yung eksaktong address sa system ninyo?" tanong ni Hakeem habang pinalalabas ang sasakyan sa subdivision gate.Ipinatong ni Nalah ang kaniyang government-issued tablet sa kaniyang hita at binuksan ang offline GPS app ng census. "Sabi rito sa Sitio 7, Block 12, Lot 1... Medyo nakahiwalay 'to sa main Phase ng subdivision. Nakalagay sa boundary map, kailangan nating lumabas nang kaunti sa back gate tapos sundan 'yung lumang kalsada papunta sa kabilang ridge."Kumunot ang noo ni Hakeem

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 11

    Maagang nagising si Nalah kinabukasan. Mas maaga pa sa kaniyang karaniwang gising kapag may schedule siya ng pag-eencode ng census data.Bago pa man tuluyang sumikat ang araw ay nakatayo na siya sa tapat ng kaniyang buong salamin sa kwarto. Apat na beses niyang pinalitan ang kaniyang simpleng t-shirt bago napagdesisyunan ang isang maayos na maong na pantalon at ang kaniyang paboritong shirt at siyempre, ang kaniyang panloob na maayos at tuyong-tuyo na mula sa sampayan.Isinuot niya ang kaniyang asul na census vest, inayos ang kaniyang ponytail, at dahan-dahang kinuha ang clipboard mula sa kaniyang study desk.Ini-scan ng kaniyang mga mata ang checklist ng mga natitirang bahay sa exclusive subdivision. Pitong bahay na lamang sa mismong kalsada ni Hakeem at sa nakahiwalay na dulo ng sitio ang kailangan niyang puntahan para tuluyang matapos ang kaniyang assignment sa buong lugar na iyon."Pitong bahay na lang..." pabulong niyang usal sa sarili habang isinusuot ang kaniyang backpack.May

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 10

    Nakatitig lang si Nalah sa malaking whiteboard sa harap ng kanilang classroom ngunit wala ni isang salita mula sa lecture ng kaniyang propesor ang tunay na pumapasok sa kaniyang isip."...and according to Cognitive Dissonance Theory, when an individual experiences conflicting attitudes, beliefs, or behaviors, it leads to a state of mental discomfort..."Inilagay ni Nalah ang dulo ng kaniyang paboritong asul na ballpen sa kaniyang mga labi. Sa halip na isulat ang halimbawa sa kaniyang notebook, ang kaniyang kamay ay kusa nang gumuhit sa gilid ng pahina. Isa iyong mabilis na sketch ng apat na monitors, isang custom PC tower, at isang matangkad na pigurang nakatayo sa tapat niyon na may hawak na baso ng iced coffee.“You're the only one who had the audacity to push my buttons...”Napapikit si Nalah at mabilis na itinupi ang notebook nang maramdaman ang muling pag-init ng kaniyang mga pisngi."Hoy, Nalah. Okay ka lang?"Napalingon si Nalah sa kaniyang katabi at matalik na kaibigang si Kir

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 9

    Ang dalawampung minuto sa loob ng laundry room ay tila naging dalawang oras para kay Nalah.Nakatayo lang siya roon, nakasandal sa gilid ng drying counter habang nakatitig sa umiikot na tambol ng washing machine. Ang kaniyang mga daliri ay hindi tumitigil sa paglaro sa strap ng kaniyang backpack, habang ang kaniyang utak ay abala sa paulit-ulit na pag-replay sa nangyari kanina.“You're the only one who had the audacity to push my buttons... So stop assuming stupid things about me.”"Gosh, Nalah... bakit ka kasi nagsalita nang gano'n?" pabulong niyang sermon sa sarili habang tinatakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. "Anong pumasok sa isip mo para tanungin siya tungkol sa mga ex o fling niya? Psychology student ka pero ang dulas ng dila mo!"Ngunit sa kabila ng hiya, may isang bahagi ng kaniyang puso ang hindi mapakali. Siya lang daw ang nakagawa niyon. Wala siyang ibang babaeng dinadala rito. Ang ibig sabihin ba noon ay... espesyal siya? O sadyang abala lang talaga si Hakeem sa ka

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 8

    Walang muwang ang mga paa ni Nalah nang kusa itong humakbang kasunod ng matangkad na pigura ni Hakeem.Kahit sinabihan siya nitong maupo na lang sa sofa, paano naman siya kakalma sa sala kung ang pinakamaseselang bahagi ng kaniyang wardrobe—ang kaniyang basang blouse, ang vest na may tatak pa ng census, at ang kaniyang itim na lace bra—ay bitbit ng isang lalaking hindi naman niya katipan?Hindi niya pwedeng hayaan ang bra niya sa mga kamay ni Hakeem!Sa bawat hakbang ni Hakeem patungo sa sulok ng bahay kung saan naroroon ang laundry at utility area, nakasunod si Nalah na parang isang pusang nanginginig sa takot at hiya."Hakeem, teka lang!" pabulong ngunit mabilis niyang tawag nang makapasok sila sa isang napakalinis at modernong utility room.Puno ang silid ng amoy ng mamahaling sabon at fabric conditioner. Sa gitna ay nakatayo ang dalawang malalaking metallic gray na front-load washing machine at dryer na tila ba galing pa sa malayong hinaharap sa advanced ng mga pindutan.Lumingon

  • Loving the Cold-Hearted Digital Artist (Tagalog)   Chapter 7

    Pagkapasok na pagkapasok ni Nalah sa loob ng malaking banyo, mabilis niyang isinarado at inilock ang pinto. Isinandal niya ang kaniyang likod sa malamig na pader at dahan-dahang napadausdos paupo sa gilid ng tub, habang ang dalawa niyang kamay ay nakatakip sa kaniyang namumula at nag-aalab na mga pisngi.“At siguraduhin mong ayusin mo 'yang damit mo bago ka lumabas... baka kung ano pang maisipan kong gawin sa'yo.”Ang boses ni Hakeem na paos, mababa, at may halong panunukso nitong tono ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa utak niya."Diyos ko, Nalah! Ano 'yon?" pabulong niyang sigaw sa sarili habang mabilis na binabagtas ng kaniyang daliri ang kaniyang leeg na basa pa rin ng kape. "Bakit ka napatulala? Bakit hindi ka man lang humakbang pabalik? Akala ko ba psychology student ka? Asan na 'yung 'fight or flight' response mo?! Bakit nag-freeze ka?"Gusto niyang iumpog ang ulo niya sa sink. Galit na galit ang kaniyang isip sa sarili dahil imbes na itulak ang binata nang mas maaga kanina, t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status